CHAPTER 13

1144 Words

“KUMAIN NA muna tayo, Jhun.” “Hindi ako nagugutom.  Ikaw na lang.  Kailangan kong makabalik na agad ng Tagaytay habang maaga para iwas traffic.” “I have a car.  At kung traffic naman ang inaalala mo, I could call in my chopper to pick us up here.” “May...chopper ka?” “Meron din ang SRC. Ikaw na mamili kung ano ang gusto mong sakyan.” Gusto niyang isipin na nagyayabang si Eneru pero wala siyang maramdaman kahit katiting na pagyayabang sa pagsasalita nito. Parang nag-o-offer nga lang ito ng kendi. Although kahit magyabang ito ay may karapatan naman ito. Was he always this humble? How nice is that… “So, ano na? Nakapili ka na ng chopper na susundo sa atin?” “Saan mo naman ipaparada ang chopper dito?” Iminuwestra niya ang kabuuan ng mataong lugar na iyon sa Maynila.  “Okay ka lang?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD