CHAPTER 8

812 Words

“HIJO, SA susunod, huwag ka ng magmamaneho ng nakainom, ha?  Delikado iyong ginawa mo, eh.  Masuwerte ka lang kahapon dahil hindi ka naaksidente.  Paano kung hindi ka na suwertehin sa susunod?  Naku, sayang ka.  Gusto mo pa ng kanin?” “Salamat ho.  huwag kayong mag-alala, Aling Martha.  Hinding-hindi na ho ako magmananeho ng nakainom.  Ayoko kasing manghinayang kayo.” “Mabuti iyan.  Sige, kumain ka lang nang kumain.  Naku, ang guwapo-guwapo mo talagang bata ka!” Pinagtitiyagaang ngatain ni Jhun ang makunat na pritong isda na ininit ng kanyang ina.  Gusto sana niyang magreklamo dahil mula pa kaninang mag-umpisa silang mag-agahan ay si Eneru na lang ang inaasikaso nito.  Ayaw naman niyang magreklamo dahil abala rin siya sa pagmamasid sa binata na sa kabila ng hindi pa paliligo ay mukhang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD