CHAPTER 1

1140 Words
“SO, WHAT’S new at the Stallion Riding Club?”  Inilipat ni Eneru ang cellphone sa kabilang tenga habang nakatutok lang sa kalsadang dinaraanan ng sasakyan niya ang kanyang mga mata.  “Ilang linggo rin akong naburo sa Las Vegas.  Nami-miss ko na nga si Mirage.”  Iyon ang kanyang most-prized Arabian stallion horse. Nakapasok na sila ni Trigger, ang kausap niya sa cellphone at nasa kabilang sasakyan, sa private road na sakop ng malawak na lupain ng Stallion Riding Club kung saan pareho silang exclusive member.  Kaya naman okay lang na makapag-usap na sila ngayon sa cellphone habang nagmamaneho. “Eneru Villasis, my friend. Didn’t you hear the news?  Jubei got married.” “Really?  Kung ganon natuloy na rin pala sila sa simbahan ni Rumina.  You know, I never really thought they would end up together.  I mean, Jubei’s kinda boring.  He needs someone with a lot of attitude—“ “Hindi si Rumina ang pinakasalan niya.” “Hindi si Rumina?” “Yeah. Her name’s Temarrie Icasiano.” “Isa sa mga ex niyang binalikan niya o bagong babae sa buhay niya?” “Bago. Natatandaan mo pa ‘yung babae na naging model sa commercial para sa advertisement ng bagong product ng kumpanya ni Neiji?” “Oh, that beautiful girl?” “The one and only. Turned out, ipinagkasundo sila ng parents nila para magpakasal. Hindi magkasundo nung una ang mga iyon pero eventually, nanalo na rin si Kupido.” “Mahal naman na pala nila ang isa’t isa so, that’s good enough for me to hear.” “Bakit, may balak kang paghiwalayin sila kung sakaling hindi nila mahal ang isa’t isa?” “Huwag nyo nga akong igaya sa inyo ng kakambal mo, Trigger, na ginagawang past time ang pakikialam sa lovelife ng may lovelife.” Tumawa lang ito sa kabilang linya. “Ang boring kasi ng buhay minsan. Anyway, no worries, masayang-masaya naman sina Temarrie at Jubei sa isa’t isa.” Tumango-tango lang si Eneru. “Mabuti naman at ginagamit din ni Jubei ang puso niya at hindi lang laging isip.  I can’t wait to meet his wife.” “Huwag na.  Baka magaya ka lang kay Neiji.  Muntik na silang magpang-abot doon sa SRC nung kelan yun dahil pinagselosan siya ni Jubei.” “Kailan pa naging possessive ang isang iyon?” “Mula nang mag-asawa siya.” Napangisi siya.  “Mukhang interesting nga ang babaeng napangasawa niya para magselos ng ganyan ang isang iyon.” “Kung ganyan ka ka-interesado, why not get yourself married, Eneru?” “Trigger, wala pa sa bokabularyo ko iyan.” “Ganyan din ang sinabi noon ni Jubei.” “Hindi ako si Jubei.”  Nilingon niya ang kabilang panig ng kotse kung saan naroon ang kausap sa cellphone.  Just like him, his friend had his car’s hood down.  Nakangisi na ito habang hawak din nito sa tenga ang cellphone.  “Ikaw, pare, baka may balak ka na, sabihin mo lang.  Huwag ka ng mahiya tutal tayong dalawa lang naman ang makakaalam.” “Yeah, right.  Kung meron mang pinakatsismosong mga tao sa mundo, wala ng tatalo pa sa mga tao roon sa Stallion Riding Club.” “At isa ka na dun.”   “Masama ang magbintang, pare.  Hindi ka matutunawan.” “Hindi pa naman ako kumakain.  Ikaw ang mag-ingat.  Baka mausog kita.” “Hindi ako naniniwala diyan.”  Tumawa lang uli si Trigger sa kabilang linya. “Mukhang masaya yata ang araw mo ngayon, Trigger.  Anong meron?” “Lagi naman akong masaya.” “Pero madalang kang tumawa.  Something tells me na may balak ka na ring sumunod sa mga yapak ni Jubei.” “Wala pa sa isip ko iyan, ‘tol.  May gatas pa ako sa labi.” “Ow?  Kaninong gatas naman kaya galing iyan?” “Sikretong malupit.” Sabay silang napatingala ni Trigger nang daanan sila ng isang helicopter.  Kilala nila ang piloto niyon.  Ang isa pang riding club member na si Thyago Palacios.  Sumilip ito sa gilid ng chopper at ilang sandali pa ay narinig na nila ang isang tinig mula roon. “So long, suckers!”  Sumaludo pa ito sa kanila bago tuluyang nauna sa kanila. Napailing na lang si Eneru.  “Si Thyago talaga.  Wala ng ginawa kundi magpasikat.  Mukhang may balak pa siyang makipagkarera sa atin ngayon, ah,” wika niya kay Trigger. “Well, wala akong balak na matalo sa kanya, kahit hindi ito official horse match.” Nagkatinginan sila ni Trigger.  Mukhang pareho sila ng iniisip kaya inihagis na ni Eneru sa passenger seat ang kanyang cellphone saka tinapakan ang silinyador ng kanyang sasakyan.  Humarurot na siyang palayo.  Hindi rin naman nagpahuli si Trigger.  Though he wasn’t going to let anyone beat him at any game. Ilang sandali pa ay sinisilip na lang niya sa rearview mirror ang nguso ng BMW convertible ni Trigger.  Nauna na siya ngunit wala siyang balak na ibaba ang bilis ng takbo ng kanyang sasakyan.  Napangisi siya saka inayos ang suot na sunglasses.   So long, sucker! May kalayuan ang helipad na bababaan ni Thyago sa pinakagusali ng Clubhouse.  Iyon ay upang hindi mabulahaw ang mga kabayong sensitibo sa ingay na nagpapakalat-kalat sa malawak na lupain ng Stallion Riding Club.  Ibig sabihin, kung walang magiging aberya, mauunahan pa rin niya si Thyago sa Clubhouse, which was the focal point of the whole estate. Iyon kasi ang unang establishment na pupuntahan ng lahat bago makapunta sa iba pang bahagi ng club.  Nakikini-kinita na ni Eneru ang mukha ni Thyago oras na maunahan pa niya ito roon.  Subalit sa  huling liko niya sa entrance road ng SRC proper ay may hindi siya inaasahang mangyari.  Isang babae ang tila may kung anong dinadampot sa daan ang muntik nang mahagip ng kanyang sasakyan kung hindi lang naging mabilis ang kanyang mga mata at mga kamay.  Naikabig niya ang manibela paiwas sa dito saka mariing tinapakan ang preno.  Sumagitsit ang mga gulong ng kanyang Ferrari Spider.  Sulit talaga ang ilang milyong ginastos niya sa pagbili ng kotseng iyon.  Dahil kung ordinaryong sasakyan lang iyon, siguradong tumaob na siya o kaya naman ay humagis na siya ng kung ilang kilometro.  He was safe but his heart was still racing.   “Damn it,” ang tangi na lang niyang nasambit habang pilit na ibinabalik ang normal na tibok ng puso niya. “What the hell was that woman doing?!” Nilingon niya ang babae.  Nakatayo lang ito sa gilid ng kalsada habang tila nagtataka pang nakamasid sa kanya.  She was fending off her long hair that was being blown across her face by the strong, cold Tagaytay wind. “Ano ang problema ng babaeng ito…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD