Kabanata XXVIII CELESTE GINISING kami ng kanyang ina nang manananghalina na kami. Nakayakap ako kay Simoun nang mga sandaling iyon habang naririnig naming dalawa ang mahihinang katok mula sa pintuan. “Sige po nay, bababa na kami,” ani Simoun. “Tara na?” sabi ko pa habang bumabangon. “Tara,” tumayo na siya. Inayos ko ang sarili ko maging ang buhok ko bago ako lumabas ng kwarto. Nauna siya at sumunod naman ako kaagad sa kanya. Pagbaba naming dalawa ay nakita ko agad na nasa ilalim na ng punong manga ang mahabang mesa. Nandoon ang ilang kababaihan na parang galing sa trabaho kasama ang kanilang mga anak. “Halika na. Huwag kang mahihiya sa kanila,” inalalayan ako ni Simoun pababa sa hagdan. “Tiyo Simoun,” agad lumapit ang pinakamatanda sa apat na batang nandoon. “Nicholas, ikaw na ba

