bc

My Snatcher Girl ( MONTILLANO SAGA IV)

book_age16+
9.5K
FOLLOW
43.3K
READ
drama
tragedy
comedy
like
intro-logo
Blurb

Drake Zhane Montillano one of Zach and Arrabella's triplets.

He is handsome

She is Beautiful

He is Rich

She is Poor

He is the C.E.O

AND

She is............ the Snatcher........??

Lumaki si Allison sa mahirap na pamilya.Ang kasama nalang niya sa buhay ay ang kanyang ina na may sakit sa puso na may maintenance na gamot para sa sakit nito, at ang nagiisang kapatid na si Melvin sampung taong gulang.Nakipag hiwalay ang kanyang ama sa kanyang ina dahil ayon dito wala na umanong silbi ang kanyang ina kaya sumama ito sa ibang babae.

Nagtitinda siya ng isda sa umaga at pumapasok naman sa gabi,Gusto niyang makatapos ng pagaaral dahil iyon lamang ang paraan para makaahon sila sa hirap.Pero hindi sapat ang kinikita niya,para tustusan ang pangangailangan nila sa gastusin sa pang araw -araw at sa pagaaral nilang mag kapatid.

Kaya naman ng atakihin ang puso ang kanyang ina hindi niya alam kung saan kukuha ng pambayad sa ospital.Napilitan tuloy siyang tanggapin ang inaalok na madaling raket ni Ronnie ang kapitbahay nilang matinik na mandurukot.Kasalanan man sa diyos ginawa niya.

Pano kung ang mabiktima niya ay isa palang bilyonaryo si Drake Zhane Montillano makakaya kaya niyang tanggapin ang parusang maaari nitong ipataw sa kanya??????

chap-preview
Free preview
Chapter one
"Uminom na po kayo ng gamot."ani Allison na inabot ang isang basong tubig at dalawang tableta ng gamot sa kanyang ina na nakahiga sa matigas na katre na may latag lamang ng bang.Wala silang kutson dahil wala siyang kakayahang bumili dahil kulang pa ang kinikita niya sa pagtitinda ng isda sa palengke sa pang araw araw na gastusin sa bahay nila pati narin sa pag aaral nila ng kanyang nakakabatang kapatid.Pati nga bahay nila mga pirasong lawanet lamang ang dingding na hiningi pa niya sa kapaitbahay nilang nagpapagawa ng bahay pati bobong nila butas butas pa kaya naman pag umuulan tuluang tuluan sa loob ng bahay nila,kung matatawag pa nga bang bahay iyon. At ngayon nga may sakit pa ang kanyang ina kailangan nito ng maintenance na gamot para sa sakit nito sa puso,kaya hindi niya mapigilan ang sariling magalit sa kanyang ama,basta nalang itong umalis at iniwan sila at pagkatapos sumama sa malandi nitong babae kaya naman tuloy ngayon nakaatang sa balikat niya ang responsibilidad na sana ay ito ang gumagawa. Inabot ng kanyang ina ang baso at isinubo ang gamot na ibinigay niya dito. "Salamat anak pasensya kana ha alam kong nahihirapan kana ." malungkot na turan ng kanyang ina,45 years old ito pero dahil sa may sakit na nga ito at kulang pa ang sustansiyang nakukuha sa pagkain para na itong 70 years old. Inakbayan niya ito at pilit na ngumiti."Ano ba kayo ,mama." Kung ano ano yang sinasabi ninyo ,hindi ko kayo papabayaan ni Melvin kasi mahal ko kayo at kahit mahirapan ako basta magkakasama tayo ok lang iyon sakin."aniya na tumingin sa pamutla nitong mukha. Nakita niya ang pangingilid ng luha nito." Oh wag kayong iiyak ayaw ko ng naiyak kayo,mama." Mabilis naman nito iyong pinahid at pilit na ngumiti sa kanya."Napakaswerte ko at nagkaroon ako ng anak na katulad mong mabait." "Ay mama,hindi lang mabait maganda pa."nakangiting turan niya dito.Totoo naman ang sinabi niya.Maganda siya matangkad at Morena balingkinitan ang kaniyang katawan na laging nakatago sa malalaking damit na suot niya, mahaba ang kanyang Alon -alon na buhok na lagi niyang ipinupuyod at ipinaiilalim sa kanyang sombrero,hindi naman siya tomboy pero mas kumportable siya sa ganung ayos.Namana niya ang kanyang height na 5"5 sa kanyang ina. "Abay oo naman anak maganda ka magandang maganda."natatawang turan ng kanyang ina. "Para namang napipilitan lang kayong sabihin yan."nakalabing turan niya. "Hindi ako napipilitan anak ha,totoong maganda ka at super bait pa kaya napaka swerte ng mapapangasawa mo saiyo."seryoso ang mukhang turan nito sa kanya. "Anong asawa ang sinasabi nyo,hindi po ako magaasawa hanggat hindi ko kayo naiiahon sa hirap at gusto ko maipagamot kayo sa magaling na doctor para gumaling na kayo "mama".Ayokong nakikitang nahihirapan kayo. Lumambot ang eskpresyon ng mukha ng mama niya.Hinila siya nito at my niyakap."Salamat anak" "Mahal ko kayo "mama." "Mahal na mahal din kita anak" Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang kapatid na si Melvin naka suot pa ito ng luma nitong uniform.Na sa Grade-Four na ito. "Nagdrama nanaman po ang mga babae."umiiling na bungad nito. Napatawa naman sila ng kanyang ina' "Bakit ba ang mga babae sobrang madadrama buti nalang naging lalaki ako",anito na pasalampak na umupo na kahoy na silya. "Hmp mag meryenda kana diyan may pritong saging diyan sa lamesa",aniya. "Saging nanaman wala bang burger manlang."reklamo nito. "Magreklamo pa ba,,kumain kanalang kay noh,kung ayaw mo ako nalang ang kakain tinira ko na nga yan sayo."aniya na tinungo ang maliit nilang lamesa at kinuha nag plato na may lamang pritong saging. Maagap naman iyong inagaw ni Melvin."Akin na masarap kaya ito mas masarap pa ito sa burger." Napatawa naman sila ng kanyang mama dito.Nagpapasalamat narin siya sa diyos na kahit wala silang magarang bahay maraming pera,meron naman siyang mabait na ina at nakaktuwang kapatid.Kaya para narin siyang tumama sa lotto at ang panalo niya ay ang mga ito.Sisikapin niyang makatapos ng pagaaral isang taon nalang graduate na siya sa kursong Information Technology,at sana pagkagraduate niya makahanap agad siya ng magandang trabaho. ____ "Bili na kayo sariwa ang isdang tinda ko."sigaw niya "Magkano ang kilo ng bangus?"anang matandang lumapit sa pwesto niya. "140 po mam ilang kilo" "Parang kamahal yata."anito na pinindot ang tiyan ng bangus. "Murang mura na nga po mam at hindi na kayo lugi ,kac sariwa ang tinda ko,tingnan nyo pa ang mata oh dipa duling." "Oh siya bigyan mo ako ng dalawang kilo." "Ok ma'am pang anong luto po ba ,sinigang,daing? "Ung isang kilo pang siningang ung isang kilo naman ay pang daing."anito na dumukot ng pera sa wallet nito. Nang mahiwa niya ang isda at inilagay niya iyon sa plastic at inabot sa babae. "Ito ang bayad."anito na inabot tatlong daang piso. Inabot naman niya iyon,kumuha siya ng sukli at inabot dito. "Sayo na ang sukli iha,at dapat laging sariwa ang tinda mo para dito nako lagi bumili."nakangiting turan nito. "Salamat po mam,makakaasa po kayo."masaya niyang turan. Bwenas ang araw na ito sa kanya dahila maaga siyang nakaubos ng paninda.Nilinis na niya ang kanyang pwesto ng marinig niya ang bulungan Nina Eda ang katabi niyang nagtitinda din ng isda,na noon pa man ay mainit na ang dugo sa kanya.Halos magkasing edad lamang sila ina nito dati ang nagtitinda kaso laging nirarayuma kaya ito na ang pumalit.Na araw araw ay laging may pintura ang mukha. "Ano nanaman kayang gayuma ang nilagay ng babaeng iyon sa mga isda niya,abay araw araw ng ubos e." narinig niyang turan nito sa katabing matabang babae.Na pinsan nito. "Talagang ang bruhang babaeng ito ay kung ano ano nanaman ang lumalabas sa puro lipstick nitong bibig." "Baka naman bumili siya doon sa may labas ng simbahan ng gayuma at ibinudbod niya lahat sa mga isda niya." Narinig naman niyang turan ng pinsan nito.Tapos sabay nag hagikhikan ang dalawa. Aba talagang tinitira siya ng balyenang pinsan nito at octopus na Eda na ito ah. "Hoy kayong dalawang pinaglihi sa octopus at balyena wala kung nilalagay na gayuma sa mga isda ko talagang mauubos lahat ng tinda ko kasi puro sariwa hindi katulad ng tinda nyong isda manang mana sa inyong bilasa!"nakapamewang na bulyaw niya sa dalawa. Parehas namang namilog ang sadya na talagang bilog na mata ng dalawa. "Sinong bilasa.? Nanggagalaiting bulyaw ni Eda sa kanya. " Bingi kaba diba sabi ko kayong dalawa bilasa" "Aba ang kapal ng mukha mo ha.! Sagot naman ng pinsan nito na namumula na ang mukha. Hindi niya uurungan ang mga ito walang pwedeng umapi sa kanya,aping api na nga sila sa buhay eh kaya hindi siya papayag na pati dignidad niya tapakan ng mga bilasang ito. Aktong susugurin siya ng Eda ng biglang dumating si Ronnie ang kapitbahay nilang may gusto sa kanya kanya.Na kilala bilang isang matinik na mandurukot. "Op-op -ops--tama na yan."awat ni Ronnie. Agad namang parang naging Maria Clara ang kilos ni Eda na halatang halata ang pagkagusto sa lalaki. "Hi Ronnie."ani eda na nag pa puppy eyes pa. Itinirik niya ang mata sabay irap dito. "Ang landi!Aniya sa isip. "Hi Eda mukhang maiinit ang ulo mo ah" "Ito kasing si Allison sinisira ang araw ko" "Abat ako pa talaga ang sinisisi mo.!bulyaw niya dito. "Talaga naman ah." sagot naman nito sabay puppy eyes at mapang akit na ngumiti kay Ronnie. "Eda hindi ka dapat nagagalit abay papangit ka niyan,"ani Ronnie na halatang natatawa sa huling sinabi. "Baka kamo lalong mabibilasa ang mukha hahahhahahaha."Anya sa isip Halata namang kilig na kilig si Eda." talaga bang maganda ako sa paningin mo? "Abay oo naman para kang si Anne Curtis sa paningin ko." Gusto niyang humagalpak ng tawa sa sinabi ni Ronnie pero pinigil niya ang sarili. "Ehhhhhhh' talaga."tili naman nito. "Oo kaya mag tinda kana para maubos na yang mga isda mo."si Ronnie "Hehehehe,salamat sa papuri ha pinasaya mo ako."si Eda Tumango naman si Ronnie pagkatapos ay bumaling sa kanya."Mukhang ubos agad ang tinda mo ah." "Oo nga e maaga akong makauwi tamang tama may homework akong gagawin."aniya na tinapunan ng trapal ang kanyang pwesto.Tinulungan naman siya nito. "Kung tinatanggap mo na ba ang pag-ibig ko di sana hindi kana nagtsatsagang mag tinda dito sa palengke." "Tigilan mo ako ha alam ko ha hindi ko pinangarap na magkaroon ng boyfriend na mandurukot noh." "Grabi ka naman,kung yan ang dahilan kaya hindi mo ako magawang mahalin babaguhin ko ang trabaho kon." Tinitigan niya ito,Gwapo naman ito matangkad moreno at maganda ang pangangatawan pero kahit pa siguro iba ang trabaho nito hindi niya ito magugustuhan wala sa karakter nito ang hinahanap niya sa isang lalaki. "Nasabi ko nanaman sayo diba na wala kang aasahan sakin sa panahon ngayong priority ko ang pamilya ko wala pa sa isip ko ang pakikipag nobyo." Bumuntong hininga ito pagkatapos ay malungkot na ngumiti sa kany. "Kung ganun kumain nalang tayo doon sa turo-turo ni aling bebang masarap ang Tinda nilang Lomi." Anyaya nito sa kanya. Nginitian niya ito wala namang masama kung pauunlakan niya ang paanyaya nito,gutom narin siya at salamat dahil libre ang hapunan niya. "Salamat sa libreng hapunan."Anya kay Ronnie matapos nilang kumain. "Basta ikaw kung lagi kang sasama sakin kumain palagi lagi kang libre." "Nako gutom na kasi ako kaya sumama ko sayo noh pero kung hindi,hindi ako sasama alam ko naman kung San mo kinukuha yang pambili mo,Pero salamat talaga ha naka libre ako hehehehe." aniya na inayos ang sombrerong suot. Magkasabay silang naglalakad pauwi sa kanikanilang bahay,tumigil ito sa palalakad at tumitig sa kanya. "Alam mo makikita ang tunay mong ganda pag tinanggal mo yang suot mong sumbreron. " Tumigil siya sa paglalakad tapos tiningnan ito." Kumportable ako sa ayos ko at hindi ko kailangan alisin o baguhin ang ayos ko." Nagkibit balikat ito at nagpatuloy na sa paglalakad umagapay naman siya dito. Bago dumiretso sa bahay nila bumili muna siya ng dalawang kilong bigas at dalawang lata ng Sardinas para sa hapunan ng kanyang mama at kapatid. "Nandito nako.! Bungad niya ng makapasok sa kanilang bahay ,Naabutan niya ang kanyang mama na nakaharap sa maliit na pugon, pinababaga nito ang uling. "Ma,anong ginagawa nyo? "Ikaw pala anak magsasaing ako para sa hapunan natin." anito na lumapit sa maliit na nilang lababo hinugasan nito ang bigas na nasa maliit nilang kaldero. "Nako mama,umupo na kayo at ako na ang bahala diyan alam nyo namang bawal kayong mapagod diba."aniya na inagaw ang ginagawa nito. "Hindi naman anak para ito lang naman" "Ala hindi pwede umupo na kayo at ako na ang bahala dito." Isinalang niya ang kaldero sa pugon at pagkatapos inalalayan niya ang kanyang mama pabalik sa higaan nito. "Si Melvin po nasan? tanong niya na inilibot ang tingin sa loob ng maliit nilang bahay. "Nako alam mo naman ang batang iyon mahilig makipag laro."sagot ng kanyang "mama"nakaupo na ito sa gilid ng katre nito. "Ang bata talagang iyon gabi na nasa lansangan pa,umupo nalang kayo diyan at lulutuin kuna ang hapunan ninyo." "Bakit hindi kaba kakain.?kunot noong tanong nito. "Hindi na ho busog na ho ako kakain lang namin ni Ronnie." Nagtatanung ang mga matang tumingin ito sa kanya at nakuha naman niya ang ibig sabihin ng mga tingin nito. "Nagkakamali po kayo sa iniisip ninyo mama,kumain lang kami at hanggang doon lamang iyon." "Mabuti naman kung ganun anak alam mo naman siguro ang reputasyon ni Ronnie ayokong mapasama ka dahil sa kanya." "Wag po kayong magalala alam ko po yun."aniya na nginitian ito. Pagkatapos niyang mag saing pinakain na niya ang kanyang mama,nang matapos naghanda na siya para sa pagpasok sa school apat na oras ang klase niya Simula 8pm -12am ng madaling araw tutulog lamang siya ng isang oras at pagkagising pupunta naman siya sa pinag aangkatan niya ng mga isda kay mang bert. **** Napakabilis ng oras huling klase na nila.At hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya gusto na niyang hilahin ang oras para makauwi na siya. Nang magpaalam ang kanilang teacher mabilis siyang tumayo sa pagkakaupo at mabilis na lumabas ng kanilang class room.Kating kati na ang paang makauwi ng kanilang bahay. At pagdating niya sa kanilang bahay lalo siyang binundol ng makitang wala manlang kailaw ilaw ang kanilang bahay,Nakita niya si aling Minda na lumabas sa bahay nito hawak ang pamaypay na abaniko.Lumapit agad ito sa kanya. "Allison kamusta na ang nanay mo napuntahan mo na ba siya sa ospital.? Tanong agad nito habang pinapaypayan ang sarili. "A-ano pong ospital? Anong nangyari sa mama,ko.!Kabadong tanong niya. "Ay hindi mo pa ba alam inatake siya sa puso kaya dinala sa ospital." Hindi na niya tinugunan si aling Minda dali dali na niya itong iniwan .Pumara siya ng Jeep para puntahan ang ina sa ospital. Kaya pala kanina pa siya kinakabahan ,kaya pala hindi siya mapakali ito pala ang dahilan,Namalayan nalang niyang tumulo na ang dalawang butil ng luha sa kanyang pisngi natatakot siya sa isiping maaring nawala ang kanyang mama sa kanya ito at si Melvin nalang  ang meron siya hindi siya papayag na pati ang "mama" niya nawala sa kanya. Pinahid niya ang kanyang luha,Nang makarating siya sa ospital tumungo agad siya sa nurse station para itanung   ang kalagayan ng kanyang mama, "Allison"! Napalingon siya sa tumawag sa pangalan niya at nakita niya si Ronnie. "Kumusta ang mama ko.? "Wag kang mag alala ok na siya sabi ng doctor mild stroke ang nangyari sa kanya,pero dapat ingatan na wag na itong naulet dahil baka daw hindi na niya kayanin." Mahabang litanya nito. "Salamat sa diyos at ok na siya."bulalas niya para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib. "Halika puntahan nanatin siya."aya niya dito. Tumango ito at nagpatiuna ng lumakad sa kanya sumunod naman siya dito. Pagpasok nila sa kwarto  ng kanyang ina, nakita  rin niya ang ibang pasyente sa loob ng malawak na kwarto ,Agad siyang lumapit sa kanyang ina. " Mama."naiiyak niyang turan hinawakan niya ang kamay nito. "Wag kang iiyak diba ayaw nating ng umiiyak dapat lagi lang nakangiti." mahinang turan ng kanyang mama. Tumango siya at pinigil na mapahikbi."Magpagaling kayo ha." "Oo naman  anak ." "Ate pwede bang ibili mo ako ng tinapay gutom na ako e."singit ni Melvin na hinilot pa ang tiyan. "Kahit kailan talaga hindi kana nabusog kakabili ko lang sayo ng tinapay kanina ah."si Ronnie Dumukot siya ng bente pesos sa kanyang bulsa at inabot sa kapatid,"o bumili kana" "Thank you ate." anito at tumakbo na palabas ng silid. "Sige na "ma" matulog na kayo para makapagpahinga kayo." "Sige anak."anito na ipinikit ang mga mata. "Salamat Ronnie ha buti nalang nandiyan ka." "Wala yun bastat para sayo" Nginitian niya ito at ibinalik ang tingin sa natutulog niyang ina. Malaki ang pasalamat niya sa diyos dahil hindi malala ang atake ng kanyang mama"at pasalamat din siya kay Ronnie dahil lagi itong nakahandang tulungan sila. Hinaplos niya ang kamay ng kanyang mama,Siguradong malaki ang babayaran niya sa ospital ,pero wala siyang pakialam ang mahalaga sa kanya e gumaling ang kanyang mama. Naramdaman niya ang kamay ni Ronnie sa kanyang balikat tiningnan niya ito at nginitian. Wag kang magalala maaayos rin ang lahat,andito lang ako para tulungan ka. Tumango siya dito at pilit na ngumiti.Siguro kung nagkataong disente ang naging hanap buhay nito baka nahulog na ang loob niya rito dahil sa mga kabaitang ipinapakita nito sa pamilya niya. Pero hindi e may pag kakataon naman itong magbago hindi lang nito gustong gawin ang tama. "Ate kuya Ronnie gusto nyo bang tinapay.? Bungad ni Melvin na may dalang ilang perasong monay. "Nako iyo nalang iyan at baka mamaya magutom kananaman."aniya "Oo nga naman mukhang may nakatira diyan sa tiyan mo kac palagi kang gutom dika naman tumataba." segunda naman ni Ronnie. "Hindi ah." sagot ni Melvin na kumamot pa sa ulo nito. "Allison mauna nakong umuwi bukas nalang ako babalik."paalam ni Ronnie sa kanya. "Sige magiingat ka at maraming salamat talaga sa pag sugod mo dito sa ospital kay mama" "Walang ano man,sige tutuloy nako Melvin ikaw na muna ang bahala sa mama at ate Allison mo ha." "Opo kuya Melvin."sagot nito habang punong puno ang bibig ng tinapay. "Sige Allison." pagkasabi nito ay tinungo na nito ang pinto sinundan niya ito ng tingin hanggang mawala na ito sa kanyang paningin. "Ate boyfriend mo ba si kuya Ronnie? "Ha- hindi ah magkaibigan lang kami." "Kala ko mag boy kayo ang lapit nyo kasi sa isat-isa,pero alam mo ate bagay kayo." "Tumigil ka nga diyan bata ka sa pinagsasabi mo ha ,at San mo naman nalaman yang salitang Boyfriend boyfriend nayan aber.? Nakapamewang na tanong  niya dito. "Sa teleserye sa TV."sagot nito "Teleserye sa TV eh wala nga tayong TV e." "Ah basta wag ka ng magtanong matulog kana lang diyan ate ako na bahala magbantay kay mama."anito na animoy matandang tao. Napangiti siya sabay gulo sa buhok nito."kaw talagang bata kana" NEXT DAY "Magandang umaga Mang Bert" "Mas maganda kapa sa umaga Allison." nakangiting sagot nito kanya. 3:00 na ng madaling araw at heto siya sa bagsakan ng isda para umangkat ng kanyang ititinda sa palengke iniwan niya muna ang kanyang kapatid at mama sa ospital kilangan muna niyang maghanap buhay para may pangbili gamot na inireresita ng doctor at at poproblemahin nalang niya ay ang pambayad ospital. Inilapag niya ang kanyang dalang banyera. "Ilang kilo ang kukunin mo? tanong ni Mang Bert na isinasalin ang mga dalang isda nito sa malaking banyera sa harap nito. "Ganun po ulet at sana maubos ang lahat ng tinda ko para may pang bili ng gamot ng mama ko",malungkot na turan niya Kunot ang noong tumingin ito sa kanya."Bakit ano nangyari sa mama mo.? Bumuntong hininga siya bago sumagot."inatake po sa puso at ngayon ay nasa ospital. "Ah ganun ba wag kang magalala gagaling din ang mama mo" "Alam ko naman po iyon at alam ko hindi kami papabayaan ng diyos " "Abay oo naman sa bait mong yan hanga nga ako sayo dahil sa edad mong 18 years old ikaw na ang pumapasan lahat ng tungkulin ng isang ama."simpatya nito sa kanya. Nginitian niya ito."Salamat po Mang Bert" "At dahil diyan sa labing limang kilong iaangkat mo ang limang kilo libre na para malaki ang tubuin mo."anito na inilagay sa banyera niya ang mga isda. Namilog ang mata niya sa sinabi nito hindi siya makapaniwala na gagawin nito iyon. "Talaga po."bulalas niya. "Oo pero ngayon lang ito ha." "Opo Mang Bert maraming maraming salamat po malaking tulong po ito sakin."masayang turan niya. "Walang anuman o siya lumakad kana at ng makabenta kana." taboy nito sa kanya. "Opo sige po maraming salamat po,tutuloy napo ako."paalam niya. "Sige at ikumusta mo ako sa mama mo."sagot nito. "Opo Mang Bert." maikling tugon niya binuhat niya ang banyera at pagkatapos ay pumara siya ng tricycle at nagpahatid sa palengke. At hindi naman siya nabigo sa maghapong pagtitinda nakaubos siya.Umuwi muna siya sa kanilang bahay para maligo.Bago siya tutuloy sa ospital. "Apat na libo"bigkas niya kinuwenta niya ang kinita niya ngayong araw at sa tingin niya hindi parin iyon sasapat. "Hay buhay."bulalas niya na nangalumbaba. Wag kang magalala Allison pasasaan bat malalampasan mo rin ang lahat ng ito makakatikim karin ng maginhawang buhay pati narin ang mama at kapatid mo",bulong niya."bastat ngiti lang. Inihilamos niya ang kanyang kamay sa kanyang mukha"Kaya ko ito ako pa.! Naisatinig niya. Pagkatapos ng pag mumuni-muni gumayak na siya para pumunta sa ospital bumili muna siya ng lutong pagkain para sa kanyang mama at kapatid.Pagkarating niya dumiretso siya sa cashier para mag pa partial bill. Gusto niyang malula sa halagang nakasulat sa maliit na papel. '15 thousand sa loob lamang ng dalawang araw pano pa bukas.Sa makalawa pa makakalabas ng ospital ang kanyang mama dahil iyon ang bilin ng doctor kilangan pang obserbahan ang puso nito. Nasa public hospital na ito naka confine pero sobrang mahal parin bill.I nilagay niya ang papel sa kanyang bagpack.at tumuloy na sa kwarto ng kanyang ina. Naabutan niya s Melvin na natutulog naaawa siya sa kapatid dahil hindi na ito nakapasok sa school dahil sa pagbabantay sa mama nila.Pero wala naman siyang magagawa. "Kumusta na kayo mama.? Tanong niya ipinatong niya ang dalang pagkain sa maliit na table sa gilid ng kama nito. "Mabuti na anak gusto ko na ngang lumabas sa bahay mas gusto kung doon magpahinga." "Wag po kayong magalala Nay kakausapin ko ang doctor ninyo bukas." Tumango ito."Sige anak." "Ate ano yang pagkaing dala mo gutom nako eh."sabat ni Melvin na inusisa ang dala niyang pagkain. "Kanin at adobong manok kumain kana."aniya kinuha niya ang malinis na plato at naglagay ng kanin at ulam.Para pakainin ang kanyang mama. "Ayoko na anak busog na ako."anang kanyang mama nakaka apat na subo palang ito. "Sigurado po kayo kumain po kayo ng marami para mas lumakas kayo." "Busog na talaga ako anak, bigyan mo nalang ako ng tubig." Inabot niya ang bote ng mineral water at ipinainom dito.Mukhang uhaw ito dahil naubos agad nito ang tubig. "Matulog ka muna anak alam kung pagod na pagod ka." "Oo nga po nay iidlip lang po ako saglit."aniya na umupo sa bakanteng silya sa tabi ng hospital bed nito. "Sige anak." Tumango siya at ini-ubub ang ulo sa kama,,at dahil sa pagod sa loob ng maghapon kahit hindi maganda ang pwesto sa pagtulo,iginupo siya ng antok namalayan nalng niyang nakatulog na siya. Please please comment ,vote and share I really need your comments about dis chap I want to know wat u feel for dis chap I'd love to hear from u.... Follow me po.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Taz Ezra Westaria

read
107.1K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
269.8K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
425.3K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

OSCAR

read
227.7K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
581.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook