Chapter 46 3rd Person's POV; "Ano? Dumalaw ang pamilya ni Astrid kay Cadmus?" Ulit ni Callius sa sinabi ni Marco. "Callius hayaan mo na si Astrid hindi siya maganda sa image ng school at sa image mo." Sabat ni Angelo. "Akin si Astrid at lahat ng gusto ko nakukuha ko." Walang emosyong sambit ni Callius. -- Kinaumagahan medyo natanghali ng gising ang babae dahil sa halos gabi na din sila nakauwi dahil sa mga magulang. Ayaw kasi ng mga ito umuwi agad dahil masyado silang natuwa kina Cadmus. "Mama bakit hindi niyo ako---." "Jusmiyo kang bata ka may bisita ka!" Nagising ang diwa ni Astrid at napatakip ng bibig habang inaayos ang buhok ng makarinig siya ng mahinang tawa galing sa lalaking nakaupo ngayon sa sofa. "Maligo kana nga dun at magbihis hindi kana nahiya sa bisita mo." Sermon n