NANG sumapit ang Sabado, naghintay si Cristina kasama si Marcus sa bakanteng lote kay Jacob Addison. "Ano bang usapan ninyo, Tina? Ang tagal dumating ah! Kanina pa tayo rito!" nababagot na tanong ni Marcus. "Alas nuebe." 9 AM sharp naman kasi ang usapan nila ni Jacob noong nasa dinner sila na magkikita rito sa bakanteng lote ngayong Sabado ng umaga. Ngayo'y mag-aalas diyes na silang naghihintay ni Marcus ay wala pa rin ito. "Eh, bakit wala pa rin hanggang ngayon? Wala bang orasan ang taong 'yon!" naaapura na talaga si Marcus. "Baka naman may nangyari lang. Hintayin nalang natin." aniya. "Hindi na nahiya! Pinaghintay pa talaga tayo!" Hindi na niya pinansin pa ang pagrereklamo ni Marcus lalo pa't nakikita nilang may taong paparating na. Nanlaki ang kanyang mga mata at literal na kuma