"MISSED this?" "Sobra!" tumatawang sagot ni Cristina habang sinasalubong ang malamig na ihip ng hangin sa pagmomotor nila ni Miguel. Gaya ng dati ay nagmomotor ito at siya nama'y nakaangkas sa likuran nito habang nakayakap ng mahigpit sa baywang nito. Galing sila ng ancestral house nina Miguel sa Isulan Sultan Kudarat para paunlakan ang imbitasyon ng pangalawa nitong itinuturing na ama na si Senior Juano para mananghalian. Kasama rin nilang pumunta roon kanina ang ina at kapatid ni Miguel na ipinakilala nito sa pangalawang pamilya nito sa katauhan ng matandang Addison at ng itinuturing na ring parang kapatid na si Attorney Amber Agustino. Labis ang pasasalamat ng pamilya ni Miguel lalo na ng ina nito kay Senior Juano dahil sa pagkupkop sa anak at itinuring na ring parang sarili talagan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books