DION After the success of the trial, walang nakarating sa mga pulis about sa insidente. Wala rin akong nabalitaan na missing case na finile ang asawa ni Facundo. Hindi ko alam kung bakit, pero malakas ang kutob ko na may kinalaman doon ang grupo nina Phobos. Well, hindi masamang balita iyon sa akin, kung tutuusin, pabor na pabor sa akin ang ganito. Para bang hindi nag-exist sa mundong ito sina Marga at Facundo Cojuangco. "Ito napo ang susi ng bagong bahay niyo, Sir tapos po ang titulo ng lupa. Congratulations po ulit," wika nitong real estate salesperson na nag-asikaso ng pagbili ko ng tatlong palapag na bahay rito sa BelAir Subdivision. "Maraming salamat," tugon ko pagkatapos kong kunin ang susi at titulo. Kinausap niya pa ako with pero hindi na tungkol sa bahay at lupa kung hindi roon

