JAM IInabot ng siyam-siyam ang pagtambay ko sa loob ng CR. Mauti na lang talaga at natapos na ang kalbaryo at naiire ko nang matiwasay ang sanlaking tubol. Paglabas ko ng banyo nakita kong nakahadusay sa sahig si Danaya, wala nang malay. Napasigaw ako nang malakas, to the point na bumakat na ang ugat sa leeg ko. Kaagad akong lumapit sa kaniya, maingat na kinarga ang balikat nito. Namumutla ang kaniyang mukha. "Danaya... gising, bes! Tulong! Tulungan niyo kami!" taranta kong tawag habang inililinga ang paningin sa paligid,, naghahanap ng taong maaaring paghingian ng tulong. Nakita ko iyong tatlong lalaking naghatid ng pagkain kanina. Tinawag ko sila kaagadat dali-dali naman silang lumapit sa akin. "Tulungan niyo ako, bilis. Kailangan nating maidala si Danaya pabalik sa kubo namin, nando

