JAM Kaloka, nakahanda na ang lahat ng gagamitin ko mamaya sa party. Balak ko sanang maging hubadera dahil iyong mga damit ko ay mostly mga kinulang sa tela, ang kaso isasantabi ko muna iyon dahil kailangan kong gayahin ang pormahan ni Danaya. Mabuti na lang talaga ay naitabi ko pa iyong mga damit na ibinigay niya sa akin noong time na kaaalis ko pa lang sa bahay at magpasyang magsolo na. "Wow, kasya pa pala ito sa akin. Hindi ako nag-gain ng timbang? Nice! Effective talagang pang-maintain ang seggs. Kahit lumafang ako nang lumafang, hindi ako tataba basta may 5 rounds sa kama everyday. Hahahahaha!" Para akong baliw na humahalakhak dahil sa naiisip. "Shuta ka, Jam! Anong oras na, magluluto ka pa ulit para sa pananghalian niyo ni Tim!" bulalas ko. Actually, special para sa akin ang araw