"Danaya?! B-Bakit?!" natatakot na tanong ni Jam. "S-Si Marga... I saw Marga's face! It was full of blood!" bulalas ko. Itinabi na muna ni Jam ang sasakyan. Kinuha niya ang aking mukha upang maiharap iyon sa kaniya. "Wala iyon, Danaya. Dala lang iyon ng pagod, okay? Wala si Marga, she's dead. Kalma..." Hinahabol ko pa rin ang aking paghinga. Hindi ako mapakali. Alam kong guni-guni ko lamang iyon pero para kasing totoo. Nakakakilabot, Tumango-tango ako habang nakahawak pa rin si Jam sa magkabila kong pisngi. "Tahan na. Dala mo ba ang gamot mo? Uminom ka kaya?" tanong niya sa akin. Binuksan ko iyong bag ko at kumuha ng isang tabletang gamot na inireseta pa sa akin ng doktor upang mapigilan ko ang paghe-hysterical. "Everyday mo pa ba iyang iniinom? Iyong totoo, Danaya?" tanong niya sa ak

