MARGA "Dad, kilala mo ba kung ano ang pangalan ng kapatid ni Dion? I'm kinda curious about her," tanong ko. Nasa garden kami ngayon, nagmemeryenda together with mom and my younger brother. "Pfft? Seriously? Hindi ba't almost a year na kayo mag-fiance ni kuya Dion? How come hindi mo kilala ang kapatid niya. Ako nga kilala ko," sabat ni George, kapatid ko. Inirapan ko siya dahil hindi naman for him ang tanong ko. "George, wag mong ganyanin ang ate mo. If I am not mistaken, her name is Danaya. Sinunod siya ng tatay niya sa pangalan ng kaniyang ina which is Danae, right honey?" Sumang-ayon si dad sa sinabi ni mom. Tumango ako ng tatlong beses. Kinuha ko iyong cellphone ko at kaagad na sinearch sa fbook ang name ng kapatid ni Dion. Kakaunti lang ang posts niya. Mabuti na lang at nasa bio n