JAM Nasa canteen na ako nakaupo, hinihintay ang bebe ko na dumating. May kakausapin lang daw kasi siya saglit kaya medyo maghihintay ako ng ilang minuto. So, ayon... ang gawa ko para hindi mabagot ay maghanap ng papalicious. Wala lang, iko-compliment ko lang ang kanilang panlabas na anyo dahil hanggang doon na lang ako. Bawal nang mang-hunting dahil papable na ako. Habang inililibot ang paningin, may dalawa akong nilalang na napansin. Hindi dahil gwapo sila kung hindi namumukhaan ko ang kanilang pagmumukha. "Ay gago, sabi ko na si Ralph na damuho!" mahina kong bulalas. Tatawagin ko sana siya ngunit masyado siyang malayo sa pwesto ko. Kaya naman kinuha ko kaagad iyong cellphone ko at tinawagan ang kaniyang numero. "Hoy boklogs anong ginagawa mo rito?" bungad kong tanong sa kaniya. "Huh