MARGA This is completely unbelievable... Wala na si George, permanently. I should be happy dahil wala nang surot na maninira ng buhay ko pero hindi ko makuha iyong emosyon na iyon ngayon. I believe this is the lowest point of my life. I haven't feel like this before. Nakatulala ako kanina pa. I can hear my maid saying something pero hindi iyon ine-entertain ng tenga ko. Para akong comatose na dilat ang mata. "Ma'am." Sa wakas, para akong nagising mula sa malungkot na bangungot. Mariing nakahawak ang kamay ng katulong sa aking balikat. Ang sakit na naidulot no'n ang siyang nagpabalik sa aking kaluluwa. "Ma'am, ayos lang po ba kayo? Sabihin niyo po sa akin kung anong nangyayari po sa inyo," natataranta nitong tanong. Alam ko kung ano ang dahilan ng pagiging maalalahanin niya. Akala

