JAM Ugh! Egul naman kasama itong si Marga! Napakaarte ng pangalan pero hindi tugma iyong personality niya. Hindi ko tuloy alam ngayon kung maaawa ako sa kaniya dahil hindi siya uubra sa kamandag ni Danaya o maiinis dahi nakakabgot siyang kasama mamili. Kung si Danaya kasama ko rito, tapos na kami ngayon at naubos na iyong mga sexy na panty dito sa lingerie shop. "Ito? Pwede na ba ito?" tanong niya sa akin, ipinapakita iyong full panty... iyong kadalasang isinusuot ng mga matatanda at galing sa panganganak. Napangiwi ako pero lowkey ko lamang iyong ginawa. "Ikaw ang bahala," sabi ko na lang. Nakakapagod mag-suggest sa kaniya dahil kung hindi niya trip ang design, ayaw niya ng kulay. Pa'no ba naman kasi, thong iyong pinipili ko sa kaniya kasi bagay iyon sa mga katulad niyang makinis ang