CHAPTER 6: THE FRAUD WALLFLOWER

1937 Words
MARGA "Dad, I made it! Look! I'm the endorser of our newest brand!" masaya kong bulalas habang ibinibida kay dad iyong announcement na inilabas pa lang ngayon. Hindi man lang binalingan ni dad ng atensyon iyong ipinapakita ko sa kaniya, bagkus ipinagpatuloy ang pags-scroll sa kanyang social media account. "Well, if that's the case... you should THANK me, for I am the the reason why Dion accepted YOU as the endorser. Wala ka nang ibang ambag sa companiy kung hindi iyan lang, so make sure hindi mo palalagpasin 'yan para ipakita mo ang worth mo sa lahat, especially sa iyong fiancee," wika ni dad in a monotonous tone. Nakaramdam ako na parang may kung anong nakabara sa aking lalamunan after hearing those words. I relly thought, I got the project because of my own talent. I prensented myself well noong naghahanap sila ng endorser tapos malalaman ko na binack-up-an ako ni dad just so I could get the role. "I will, dad... thank you." mabigat para sa akin ang sabihin ang salitang salamat. Umasa ako sa sarili kong kakayahan and sa isang iglap biglang gumuho iyon. Hindi ako pinansin ni dad kaya naman umalis na ako't bumalik sa aking silid. It's already 8 in the evening, I should sleep na dahil maaga pa ang pasok ko bukas. Instead of bing happy and excited... parang ngayon, ang sama na tuloy ng loob ko. "Should I call Dion?" tanong ko sa aking sarili. Umiling ako dahil baka busy iyon ngayon. Marami siyang ginagawa mapaloob o labas man ng company. "Pero hindi ako makakatulog nang ganito hangga't hindi ko nailalabas ang bigat sa aking dibdib." At the end, napapayag ko rin ang sarili ko na tawagan siya. Naka-cross ang fingers ko, hoping na sana'y hindi ako nakakaistorbo sa kaniya. "Hello? Dion?" tanong ko no'ng sagutin niya ang tawag. 'Who's this?" Nanlaki ang mga mata ko no'ng boses ng babae ang narinig ko sa kabilang linya. Hindi kaagad ako kumibo dahil sa gulat. "Grabe, pati gabi nagtatrabaho kayo? if you're going to scam people, wag 'tong number na ito ha?" Natawa na lang ako because napagkamalan pa akong scammer. Like, hindi ba naka-save ang number ko kay Dion? Tiningnan kong muli iyong number dahil baka nagkamali ako ng tinawagan. Noong ma-confirm kong sa kaniya nga ito, halo-halong emosyon ang yumakap sa akin. "I'm Dion's fiancee. Who the f**k are you?" Nakataas ang isa kong kilay habang sinasabi iyon. Iginanti ko lang iyong mura na sinabi niya sa akin. Now, siya naman itong natahimik. I bet, hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "Ha! Fiancee? May pangalan bang gano'n? Bobita. I'm asking who are you, it means name ang hinihingi ko. Anong klaseng utak ba meron ka? Simple question hindi masagot nang maayos. At saka, wag mong masabi-sabi na fiancee ka ni Dion dahil hindi siya papatol sa isang bobitang nilalang, okay? Now, you must sleep, scammass dahil wala kang maloloko for tonight's video." She ended the call after that. Naiwan akong nakanganga. Hindi ako makapaniwala! Sino ba iyon? Nanakaw ba ang cellphone ni Dion? After minutes of overthinking, hnahanap ang sagot sa sarili kong tanong ay napagpasyahan kong tumawag muli dahil mas lalo akong hindi makakatulog nito. Hindi nagri-ring 'yong number at kaagad na namamatay. "HAhahaha! Binock niya ako?!" bulalas ko at the top of my lungs. "Oh my gosh... sino ang bwesit na iyon?" bulong ko habang nanllilisik ang matang nakatitig sa number ni DIon. "I'll ask him na lang tomorrow. Sana may maganda siyang explanation." Inilapag ko na ang cellphone ko sa lamesa at padabog na nahiga. Niamukos ko ang mukha ko dahil hindi ako tinitigilan no'ng bwesit na boses no'ng babae kanina. Paulit-ulit na nagp-play sa utak ko ang pamamahiya niya. "AHHH! STOP MOCKING ME! HINDI MO AKO KILALA!" sigaw ko sabay bangon at itinapon iyong lamp na nasa gilid. Mabuti na lang at iyon ang unang nahablot ng kamay ko't hindi iyong cellphone. Bumukas ng pinto, iniluwa no'n si mamang. Hindi na siya nagulat noong makitang may basag na gamit na nakakalat sa aking sahig. "Kukuha lang po ako ng dustpan at walis," paalam niya bago muling lumabas ng kwarto. "s**t! s**t! s**t!" paulit-ulit kong sigaw sa sobrang inis. "CONGRATULATIONS po, ma'am, Marga. Deserve niyo po ang bagong role niyo po." "Maraming salamat. Hindi ko naman makukuha iyon kung hindi walang naniniwala sa kakayahan ko. aya naman, sana tanggapin niyo ito as a token of gratitude. Pagpasensyahan niyo na kung iyan lang," nahihiya kong wika sa mga kasamahan ko sa department. Sinadya kong maagag pumasok ngayon para maabutan ko ang pagpasok ni DIon. Mamaya kasi baka hindi na ako magkaroon ng pagkakataon para kausapin siya, masisira ang buo kong araw kapag hindi ko nakuha ang explanation niya with regards last night's issue. "Maraming salamat, ma'am Marga. Napakabait niyo po kaya kayo pinagpapala ng Dios. Bukod sa fiancee po kayo ni Sir Dion, mayaman pa kayo. Kung hindi ba naman kayo napakaswerte niyan..." Hah! Daming sinasabi para lang itago ang inggit. Hindi naman ako magagalit kapag inamin niya na ang tunay niyang nararamdaman dahil halata naman. "Eh? S-Siguro po... sino ba naman ako para maging fiancee ng isang Dion, hindi po ba?" "Ano ka ba, Mary anne! Watch your words, ha? Nakaka-offend kaya 'yong sinabi mo," pagtatanggol ng isa pang social climber. "Huh? Anong nakaka-offend do'n?" "Iyong sinabi mo na swerte si ma'am dahil mayaman siya at jowa niya si Sir Dion. 'Yong tono mo kasi parang sinasabi mo na si ma'am Marga lang ang nakikinabang. Swerte rin naman si Sir Dion sa ka niya dahil napakabait niyang tao at mahinhin. Tunay na dalagang Pilipina." Indeed. "Naku, wag na kayong magtalo. Ubusin niyo na ito. Kung gusto niyo, ipamahagi niyo na rin sa iba. Wag niyo na lang sabihin na ako ang nagbigay, ha? Nakakahiya kasi." "Naku po, wag kayong mahiya, ma'am. Wala po kayong dapat na ikahiya." Tumango lang ako at nagpaalam nang aalis na. Pupunta ako ngayon sa office ni Dion, magbabakasakali na sana'y naroroon na siya. Dahil mababa lang ang position ko sa company na ito, sanay na akong hindi pinapansin ng karamihan. Kahit na ako ang anak ng pinakamalaking stockholder at fiancee ng CEO, hindi iyon sapat para igalang nila ako at tapunan ng atensyon. Kaya naman ginagawa ko talaga ang lahat para makilala nila ako nang hindi ginagamit ang tulong ng iba. "Good morning po," magalang kong bati ro'n sa secretary ni Dion na nasa labas. "Good morning," matipid nitong bati pabalik. "Ahm, Secretary Tim, naririyan na po ba si Sir Dion?" Kumunot ang noo niya. Siguro nagtataka siya ngayon kung bakit ko hinahanap ang boss namin early in the morning. "Oo na ata, bakit?" usyoso nitong tanong. Kung tutuusin, pwede ko namang gamitin ang pagiging fiancee ko para tantanan niya na ako sa kakatanong. Pero kapag ginamit ko iyon, hindi lang kay Dion ako makakatanggap ng sermon kung hindi pati na rin kay Dad. "Mayroon lang sana akong sasabihin sa kaniuya with regards sa shooting and sa conditions na rin ng endorsement," palusot ko. "Hmm? Hindi pa ba sa iyo nakakarating iyong paper? Alam ko naroon iyong terms and conditions pati na rin ang makukuha mong incentives." "Ahm, h-hindi, eh. Mainam siguro kung mismong kay Sir Dion ko maririnig iyon. Baka kasi maguluhan ako, may tanong ako, gano'n." Hindi kumibo si Tim. Malaki ang tyansa na hindi siya papayag dahil talagang mahirap siyang pakiusapan. Siya ang nangunguna sa listahan ko ng mga nakakainis na tao rito sa company. Pasalamat sila't bawal kong i-discolose kung sino talaga ako. "Tim! May naghahanap sa iyo," tawag no'ng isa naming katrabaho. Hindi na niya ako inintindi, nakalimutan na niya atang hindian iyong request ko na hindi ko naman kasalanan. Tiningnan ko siya kung lilingon pa ngunit hindi na iyon nangyari. Dumire-diretso na ako't tumigil lamang no'ng nasa tapat ako ng pinto ni Dion. Inayos ko muna ang aking buhok, itinaas ang paldang suot. Syempre before I did that, tiningnan ko muna ang paligid ko. I am playing the role of a wallflower dahil sa kagustuhan ni dad kahit na hindi naman talaga gano'n ang ugali ko. He said na mas madali kong makukuha ang side ng mga tao sa company na ito kung magiging mabait ako sa mata nila. It's been 3 months simula no'ng lumipat ako rito, and masasabi ko na hindi pa rin ako sanay sa pagiging mabait, mahinhin na empleyado. Mabuti na lang at alam ni Dion kung ano talaga ang tunay kong ugali, kaya kapag kaming dalawa lang, doon lang ako nakakahinga. "Sir?" tawag ko after kong kumatok ng tatlong beses. "Pasok," rinig kong tugon nito. Sabik na pinihit ko iyong seradura at pagkapasok ay nadatnan ko itong nagre-review ng papers. "What do you want, Marga?" tanong nito, hindi man lang ako binalingan ng tingin. Siguro gano'n niya ako kamahal, to the point na kahit hindi siya tumingin ay kilala niya ang presensya ko. How sweet of him, pero hindi pa rin siya absweto a galit ko about lat night. "Nasaan ka kagabi?" tanong ko. Pasalampak akong umupo sa sofa, hinihintay na balingan niya ako ng tingin. "Why would I tell you? Are you my mum?" "I asked you first... shouldn't you answer it first before kang magtanong din sa akin?" maldita kong banat. Wag niya ako. Kung malaki ang attitude niya, mas malaki ang sa akin. Hindi siya kumibo, nagpatuloy lang sa kaniyang ginagawa. Naghintay ako ng minuto, no'ng hindi talaga siya nagsalita ay padabog akong tumayo. Lumapit ako sa kaniya at inihampas ang dalawang kamay sa table. Matagumpay kong nakuha ang kaniyang atensyon. Huminga siya nang malalim noong makitang nakataas ang isa kong kilay. "What? Nakaisip ka na ba ng alibi? Isang minuto rin ang palugit na ibinigay ko sa iyo," wika ko. "Pinagsasasabi mo? Aga-aga walang kwenta ang lumalabas sa bibig mo," ani ya. Natawa ako dahil walanfg kwenta? Ang sabihin niya ayaw niya lang umamin. "Bakit? May inililihim ka ba sa akin, Dion? Sino iyong babaeng sumagot sa tawag ko kagabi, ha? Are you cheating on me?!" Ipinikit niya ang kaniyang mga mata kaya nag-lie low muna ako saglit. Pero hindi ako natatakot sa kaniya. "You know what, ipapaalala ko lang ulit sa iyo, Marga dahil mukhang nakakalimutan mo na. You and I... fake lang ang label nating dalawa. It's for the sake of company. Wag kang umarte na parang totoo mo akong fiancee dahil nakakasuka. Isipin ko lang ang tungkol sa bagay na iyon, bumabaligtad na kaagad ang sikmura ko. Now, kung wala kang matinong sasabihin, get lost," mariin niyang banta. Nalaglag ang panga ko dahil ngayon ko na lang muling narinig ang mga salitang ito kay Dion. So, ayaw niya talagang sabihin sa akin ang tungkol sa babaeng iyon. Is she something important to him? Hahaha! Okay lang. Marunong naman akong kumilos on my own. "Alright... I'll take that in mind. Don't worry, nagtatanong lang naman ako," ani ko in a sarcastic way. After I said those words ay tumalikod na ako. Mabagal ang aking paglalakad, nanlilisik ang mga mata. "Pinapapunta ka pala ni dad bukas ng gabi sa bahay. Should we practice? Alam mo namang ayaw niya na mukha tayong peke sa kaniyang harap, right? Ikaw rin... baka sabay pa nating makita kung paano siya magwala," pananakot ko. It's a lie. Wala naman talagang sinabing gano'n si dad pero gusto ko siyang solohin bukas. Kung ayaw niyang sabihin sa akin ngayon, marami pa namang araw. Kapag hindi niya pa rin inamin sa akin kahit na pilitin ko siya, doon ako mag-iimbestiga. Swerte ng kung sino mang babaeng iyon dahil ako mismo ang maghahanap sa kaniya. Dahil thoughtful akong tao, sampal ang ipapasalubong ko kaagad sa kaniya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD