DION "Good job, boss. Paniguradong magiging successful ang launching bukas. Sinabihan ko na si Marga na 7 am ay dapat nandoon na siya sa venue." "Uy, Dion... Boss Dion!" Hindi ako nagising dahil sa malakas na tawag ni Tim kung hindi sa pilantik ng kaniyang mga daliri. "Oh?" tanong ko sa kaniya. "Bakit? Anong iniisip moo ngayon? Ay alam ko na... paniguradong si Miss Danaya," ani 'ya. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya. "Ako na ang magda-drive sa iyo at natatakot ako baka matulala ka na lang mamaya sa byahe," ani 'ya. "Ang dami mong sinasabi, Tim. Ano bang nakain mo?" tanong ko sa kaniya. Binibilisan ko ang paglalakad dahil alas-onse na ng gabi. "Iyong binili mong pizza. Bihira lang kitang makitang natutulala na lang. Na-curious lang ako kung ano ang b