'OO. Wag kang mag-alala, sigurado akong mayaman 'tong babaeng 'to. Kita mo pa lang sa kutis, di ba? Ngayong nalinisan ako, ano? Lumabas ang pagkakutis mayaman!' 'Magaling ka talaga, auntie! Kahit kailan mautak ka. Ilang halaga naman ang hihingiin natin sa kamag-anak nito?' 'Limang milyon, maliit na 'yon para sa katulad niyang milyonaryo. Ang kapatid niya'y nagmamay-ari raw ng malaki at sikat na kumpanya, ayon doon sa lalaking kumidnap dito.' 'Lima lang? Dapat sa mga ganitong klaseng huli, sampung milyon! Hahahaha!' 'Wag kang masyadong gahaman. Baka hindi pumayag kapag gano'ng kalaking halaga ang hingiin natin.' 'Bakit? Kung hindi siya pumayag, edi ibenta natin siya sa tinakasan mong amo. Panigurado akong ibibigay niya ang lahat para lang makuha 'tong babaeng ito. Mukhang mananapak na

