FACUNDO "Mr Wang, nakausap mo na raw si Dion? Kumusta? Anong nakikita mo sa kaniya?" tanong ko habang nakatuon ang atensyon sa malawak na golf field. Inimbitahan ko rito ang bagong stockholder ng aming company. Matagal ko na siyang kilala dahil noon pa man ay kasa-kasama na namin siya sa kumpanya. Umalis lang siya dahil kasama iyon sa plano namin. "Nakikita ko sa kaniya na matutulad siya sa kaniyang ama, mamamatay nang maaga. Masyado siyang maalam sa kalakaran ng negosyo... isang delikadong trait para sa atin na mapanglamang na tao," ani 'ya. Natawa ako sa kaniyang sinabi ngunit naudlot iyon kaagad dahil seryoso ang mukha ni Mr. Wang no'ng sipatin ko siya nang mabilis. Akala ko nagbibiro siya sa kaniyang sinabi ngunit mukhang naatim na niya ang desisyon. "Kailan natin sisimulan ang pag