CHAPTER 3: WALWALAN

1929 Words
JAMMY Nakahinto na ang sasakyan ko sa tapat ng bahay nina Danaya. Siguro isang minuto na akong naka-park ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito lumalabas. Napakalinaw ng usapan namin kanina habang iniistorbo niya ako sa paglalandi na pagdating ko ay nakaabang na siya sa labas ng kanilang bahay. Pinindot ko na ang busina ng sasakyan dahil baka nakakulong ito ngayon sa kwarto niya. Ang matindi, baka nakatulog na si gaga. "Makokotongan ko talaga siya nang malala kapag tinulugan niya ako! Ako 'tong kahit pagod ay pinuntahan ko pa rin siya! Kapag inindyan niya ako! Pasasabugin ko ang bar niya! Ay huta... akala ko si Danaya," wika ko sabay bulalas sa dulo dahil may nakita na akong nilalang na lumabas. Akala ko si beshywapwap na, pero lalaki iyong lumabas sa pinto at hindi dyosa. Nalukot ang noo ko noong makita ko ang mukha no'ng lalaki. "The motherfucker Dion?!" sigaw ko. Napasigaw talaga ko rito sa loob ng sasakyan ko, tapang si babaknita dahil soundproof. "Teka, bakit? Magkasama na ba sila ulit sa iisang bubong?" tanong ko sa sarili ko na kahit na at the end ay nganganga lang din ako dahil hindi pa nagpapakita si Danaya! Pero salamat sa utak ko at kahit papaano ay nagbibigay ito ng hula. "Kaya ba nagpapasundo si bobitang Danaya dahil mayroon siyang ginawang kabulastugan kagabi?" "Hmmm... hindi dapat ako mahuli sa chismis na iyon. I know may kagagahan na namang nangyari at ako lang ang makakapagsalba ng kaniyang pride kaya niya ako kikitain. As if, isasalba ko siya ngayon, hahahaha! Ida-down ko pa siya, dahil ang tagal-tagal nang issue itong feelings niya kay Dion. Sabi-sabi pa siya every end of the year na hindi na niya mamahalin si Dion, kesyo magbabago na siya, lalayuan na niya ito, hindi na siya magiging marupok! Bwakanangshit! Wala pa ring nangyayari!" Hooo! Hihinga muna ako at para akong nag-rap. Habang inaayos ko ang aking buhok, hindi ko napansin na nasa gilid ko na pala si Dion. Kung hindi pa niya kinatok ang salamin ng sasakyan ko'y paniguradong kanina pa ako nagsasalita nang mag-isa rito. 'Siguro naman nakapagpaalam na si Danaya sa kaniya. Kung hindi, gago, uuwi na ako. Bahala siya sa buhay niya. Kailangan ko ring magpahinga, putakte siya.' Dali-dali kong ibinaba iyong bintana dahil mahirap nang paghintayin ang lalaking ito. "Hi Dion! Good morning!" nakangiti kong bati. Ginandahan ko pa ang boses ko't ngiti para kung sakaling hindi pa nagpapaalam si Danaya ay payagan pa rin siya nito. "Aalis daw kayo?" seryoso niyang tanong. "Y-Yeah," utal-utal kong tugon. Isang salita na lang nga iyon kabado pa ako. Huhu! Ikaw ba naman kasi titigan ni Dion na para bang tinitingnan niya ang buong pagkatao ko. "Saan mo dadalhin si Danaya?" muli niyang tanong. Hinawakan niya pa iyong salamin ng sasakyan ko, sinigurado na hindi ko iyon biglaang isasara. As if may lakas ng loob akong ganunin siya. Kahit naman pokpokita ako, best in GMRC ako! Hindi pa nga nakuntento itong si Dion at Inilapit pa niya ang kaniyang mukha, kulang na lang ipasok niya ito sa loob ng sasakyan. "Ahm... malay ko sa kapatid mo. Pinapunta niya lang naman ako rito. Ang sabi niya sunduin ko raw siya, baka tatambay sa bahay, gano'n?" Pagkatapos kong sabihin iyon ay dinugtungan ko ng awkward smile kasi kabado bente ako. Baka mali iyong sagot ko-- dead end na para sa aming magbeshywap. Akala ko makakatikim ako ng gisado mula kay Dion, pero himala na tinantanan niya ako kaagad. Mukhang good mood si pare. 'Teka, aalis na ba siya?' "I-text mo ako kung saan kayo pupunta, kung hindi man sa bahay niyo kayo tatambay ni Danaya. Kapag uuwi na siya tawagan mo ako dahil ako ang magsusundo sa kaniya. Ingatan mo ang kapatid ko, maliwanag, Jam?" "Jam?" pag-uulit niya dahil nag-space out ako. Huta, sandali, ang gwapo kasi ni Dion! Nabablangko ang utak ko. "O-Of course! Pero, hindi ba't masyado nang matanda si Danaya para alamin kung saan siya pumupunta at kung ano ang ginagawa niya sa sarili niya? Lagpas bente na iyong kapatid mo, kaya na niya ang sarili niya. Hindi ba't parang masyado ka namang OA, Dion?" tanong ko tapos walang takot na binalandrahan siya ng malutong na smirk. "You're also 23 like her, right?" Tumango ako pagkarinig ko no'ng tanong niya. Anong connect ng tanong niya sa banat ko? "Baka pagod ka nang mabuhay, sabihin mo lang para naman mabawasan na ang mga pakealamera sa mundo," mariin niyang tugon. "Sa-Sabi ko nga iingatan ko si Danaya. Bespren ko 'yon kaya natural lang na hindi ko siya pababayaan." Ginantihan niya rin iyong pag-smirk ko kanina, malala pa 'yong sa kaniya. "Aasahan kong makakarinig ako ng update mula sa iyo, Jam. Wag kang mag-alala dahil alam ko kung ano ang contact number mo, ng pamilya mo. Ayaw ko ng hindi tumutupad sa usapan, maliwanag?" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay naglakad na siya, hindi na hinintay kung anong ekspresyon ang gagawin ko o may sasabihin akong objection. Confident si Dion na hindi ako papalag dahil alam niya na alam ko ang kaya niyang gawin. Suskolor! Kung alam ko lang na ganito ang aabutan ko mula sa pagsundo kay Danaya, hindi na ako pupunta rito. Wala akong pake kung magtampo ang damulag na iyon sa akin at hindi ako pansinin hangga't gusto niya. Mainam na iyon kesa naman sa ganito, mabantaan ng isang CEO s***h obsessive s***h possessive step-brother. Akala mo talaga tunay na magkadugo, eh! Ilang minuto lang ang nakalipas at nakita ko nang tumatakbo palabas si bobitang Danaya. Sarap kotongan! Siya talaga ang dahilan kung bakit ang taas ng insecurity ko. "Sorry! Hindi ako sinabihan kaagad ni kuya na naririto ka na pala. Naghintay ka ba nang matagal?" tanong nito sa akin habang hingal na hingal na ikinakabit iyong kaniyang seatbelt. "Hindi naman ganoon katagal, pero..." "Pero?" Nagtaka siya dahil hindi ko itinuloy ang aking sasabihin. Nakatingin siya sa akin, nag-aabang. Bago ko sabihin ay binatukan ko muna siya sa noo. Sumigaw siya nang malakas kahit na mahina lang naman iyong ginawa ko. "Hoy! Gago! Bakit ka namimilipit dyan! Napaka-OA! Hindi naman malakas iyong kotong, ah!" bulalas ko. "Bobo! Nauntog kasi ako kanina, bwesit naman, Jam! Napakasakit!" inda niya na tinawanan ko na lang. "Bobo ka rin. Mas bobo ka, tandaan mo." Hindi siya kumibo kaya dinugtungan ko iyong tanong ko. "Saan na tayo pupunta ngayon?" "Kahit saan basta umalis na tayo," balagbag nitong sagot. "Gege. Sa bahay na lang. Hindi ka ba papasok sa bar mo mamaya? Magwawalwalan tayo sa bahay dahil marami akong ikukwento sa iyo." "Alam ko na iyan. Ikukwento mo sa akin kung paano kayo nagjugjugan no'ng afam! Baliw, wag na Jam kung iyon man lang. Hindi ako interesado," mabilis nitong wika. Ngumuso ako dahil hindi ako kumbinsido. "Weys? Totoo ba? Ikaw? Hindi interesado? Eh, noong last time na nag-one on-one inuman tayong dalawa nagmamakaawa ka sa akin na magpaturo ng moves and technique paano mapatirik ang mata ng parrtner mo sa kama." "HUH?! What the f**k! Hindi, ah! Kailan 'yan? Imbento ka, Jam!!" defensive na bulalas nito. Tawa ako nang tawa habang nagmamaneho dahil kahit hindi ko siya silipin ay alam kong namumula nang labis ang kaniyang mukha. "Sows! Deny pa more! Don't worry tayo lang namang dalawa naririto. Kanino ba kasing mata ang patitirikin mo. ha? Akala ko kasi si junjun lang ang patitrikin. Mas wild ka pala sa akin if ever, hahaha! Napakaswerte ng lalaking makakasalo mo sa kama, Danaya." Patuloy kong panunukso. "Shut up, Jammy! Bwesit ka talaga! Wag kang magsinungalinga dyan, hoy! For your information, alam ko ang pinagsasasabi at ginagawa ko kapag lasing ako, ha!" "Naku po! May video ako no'n, eh. Magkakaalaman mamaya pagdating natin sa bahay!" "Hahahaha! f**k you!" sigaw niya habang humahalakhak. DION Simula noong makaalis ang sinasakyan nina Danaya, hindi na maalis ang mata ko sa tracking monitor. Mabuti na lang at hindi napansin ni Jam noong pasimple kong kinabitan ng tracking device ang bubong ng sasakyan. "Tss, why am I doing this again?" tanong ko sa sarili ko, medyo naiinis dahil pinangako kong hindi na ako magiging mahigpit kay Danaya. Jam is right, nasa tamang edad na ito. Hindi ko dapat pinapakialaman kung ano saan niya gustong pumunta at kung ano ang gagawin niya. Pero anong magagawa ko? Alipin ako ng pag-aalala kapag wala sa tabi ko si Danaya. Natigilan ako sa kakatiitg sa aking phone screen noong mag-ring ang isa kong cellphone. Ibinaba ko na muna ang hawak ko at sinagot ang tawag. "Hello?" walang buhay kong tanong sa kabilang linya. "Sir, good morning po. Iko-confirm ko lang po kung pupunta po kayo ngayon dito dahil po may meeting po kayo with the head of J&K corporation mamaya pong alas dyes ng umaga." "Ah, sila ba? Ano pang nasa schedule ko ngayon?" tanong ko sa aking secretary. "After po no'n, mamaya pong 1 pm ay mayroon pong product testing, tapos po 7 pm naman po ay may dinner meeting po kayo wiith Mr. Tiongco kasama po ang fiancee niyo." Hindi ako sumagot kaagad dahil hinihintay ko kung mayroon pang karugtong iyon. Ngunit noong nanahimik na nang tuluyan si Rizza, nagsalita na ako. "All of those shits... cancell them. Wala silang mga kwenta para sa araw ng Lunes. I have more important maatter to tend with kaya kung may maghanap man sa akin ngayon, tell them na magpa-book na lang ulit tapos next week ko na sila ie-entertain." "S-Sige po, Sir. Pati po ba iyong dinner date niyo po? Hindi naman po iyon business matter po." "Anong sabi ko? Bingi ka ba?" maldito kong tanong. "H-Hindi po. Ika-cancel ko na po iyong lahat niyong ganap ngayong araw at sa buong linggo po, Sir." "Good." Pinatay ko na ang tawag at mabiils na tumakbo patungo roon sa couch para ikonek kaagad ang cellphone sa smart TV para malaki iyong nakikita ko. Gaya ng sabi ni Jam, sa bahay nga tumigil ang sasakyan na minamaneho nito. Dapat itigil ko na ang pagmamanman dahil alam ko nang safe si Danaya dahil doon lang naman siya tatambay sa bahay ng kaniyang kaibigan. Pero hindi pa rin ako tumigil sa pagmanman dahil nababahala pa rin ako. Dahil ito sa pagsisinungaling sa akin ni Danaya kanina "Bakit kailangan niya pang sabihin na may kikitain silang dalawa ni Jam? Bakit hindi na lang niya inamin sa akin ang totoo?" tanong ko sa sarili ko. Nanibago lang siguro ako kaya sobrang anxious ko ngayon. I knew Danaya for years... hindi niya kayang magsinungaling sa harap ko pero ngayon-- Sinabunutan ko ang aking buhok dahil hindi ko mahanap ang posibleng sagot. "Mukha naman silang hindi na aalis," bulong ko tapos pinatay na ang TV at itinigil na ang pagmamanman. Ibinulsa ko na iyong cellphone at pupunta ako sa kusina para gumawa ng agahan. Hindi pa man din ako nakakarating, naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone sa aking bulsa. I get it fast. Nalukot ang noo ko noong makita ang pangalan ni Jam sa phone screen. "Ano naman kaya ang ibabalita niya?" -Yow, Dion. Mag-iinuman kami ng kapatid mo, alfonso. Magpapakalasing daw siya dahil may malaki raw siyang kasalanan na nagawa sa iyo. Umiiyak pala siya chudey, share ko lng. At saka, hindi kami aalis ng bahay kaya useless 'tong tracking device na kinabit mo sa sasakyan mo kaya itatapon ko na. Sa pagkadami-rami ng salita na nakita ko sa text message na sinend ni Jam, isang salita lang ang tumatak sa aking isip. Umiiyak. Bakit umiiyak si Danaya? At saka, malaking kasalanan? Iyon ba iyong nangyari kagabi? I thought.... Wait... Hindi siya totoong lasing no'ng mga oras na iyon?! "f**k! Dion! What the hell!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD