MARGA Kanina pa nakatutok ang mata ko sa screen ng aking laptop, ini-stalk pareho sina Dion at Danaya. Napaka-unusual kasi ng bond nilang dalawa, parang hindi sila tunay na magkapatid. And to my surprise... nagbunga ang paghahanap ko dahil natagpuan kong ampon lang si Dion. Legal ang naging adoptation sa kaniya, kaya kahit hindi by blood ang kanilang pagiging magkapatid, they're still siblings, PERIOD. Isinara ko na ang laptop ko dahil it's one in the morning. Kaunti na lang ang oras ko para makapagpahinga dahil 7 dapat nandoon na ako sa event place na paggaganapan ng launching ng newest product ng company. "I wonder kung dadalo rin si Danaya... of course! She'll support her brother. Kung gano'n, I should welcome her." Isang matalim na ngisi ang sumilay sa aking labi habang nakatingin