DION Malapit na akong maiyak, hindi ko na kaya. Pinipigilan ko lang dahil nakakahiya nan kung makikita ako ni Tim. Habang nagmamaneho, pinipiga ko ang aking isip kung ano ang gagawin ko kapag nandoon na ako at nakaharap ko na ang mga tao. Natatakot ako na baka lamunin ako ng takot at wala akong masabi sa kanila. Akala ko hindi kami aabot sa ganitong punto. Akala ko ayos na ang lahat kapag naamin ko na sa mga taong malalapit sa akin ang relasyon namin ni Danaya. Hindi naman kami artista, hindi naman kami sikat, bakit parang obligado kami na ipaalam sa lahat kung ano ang side namin? Kung hindi lang talaga magiging malaking epekto ito kay Danaya, hindi ko papansinin ang video na iyon at kung may mga nagra-rally man at kung mag-alisan ang mga investor. Wala akong pake. Kaya kong patakbuhin

