Chapter 80 Cherry's Pov "Mommy, saan tayo pupunta? Bakit ganito ang suot natin at para kang nasa fairytale, mommy?" "Maganda din ako! Bakit si mommy lang ang pinuri mo, kuya?" Sabi ni Trixie na nakakunot ang noo. Parang nakikita ko sila bilang version 2.0 ng Jon and Heaven; laging ganito ang magkapatid dahil inaasar ni Jon si Heaven kahit alam niyang maganda si Heaven. Lumapit ako kay Trixie. Nakangiti, nakaharap sa kan’ya. “Diba po mommy, maganda po ako." "Sinong nagsabi sa’yong maganda ka?" "Daddy, sabi ni Daddy ako daw ang pinakamaganda at ang kan’yang Prinsesa." "Nagsisinungaling lang si Daddy." Tawa pa ng tawa si Troi na tinutukso si Trixie. "Isusumbong kita kay Daddy kapag nakauwi na tayo. Sabi ko Daddy. Nagsisinungaling ka daw sabi ni kuya." "Tumigil na nga kayo.

