Chapter 67 Cherry's Pov "Ate Cherry, salamat sa pagpunta mo kahit may girlfriend na ang kapatid ko." Nandito ako ngayon kila Heaven. Tinawag niya ako ngayon. Simula nung nalaman niyang may CP ako, araw-araw ko silang katext, at araw-araw nila akong tinatawagan. Ang mga kapatid na ito ay maloko; hindi nila ako tinigilan hangga't hindi ako pumayag. Wala akong ginawa; Pumayag naman ako dahil wala naman akong gagawin at wala akong kasama sa bahay ngayon. Nang may kumatok sa kuwarto ni Heaven, ako ang nagbukas. Busy ako dahil kakasukat ni Heaven ng kanyang mga damit na binili. Hindi man lang siya sumagot sa kumakatok. "Tinatawag kayo ni Mommy para kumain," sabi ni Jon sa amin. Tumango lang kami. "Let's go," sabi ko kay Heaven na kasalukuyang nag-aayos ng damit niya. Tumayo kami at sinundan

