PROLOGUE
As I was looking at them, my heart started to hurt little by little. I didn't even realize Dexter was deceiving me, and I fell for everything he said.
Sinubukan ko siyang tawagan sa kaniyang telepono and there I saw him looking at his phone and then put it in his pocket. Ngayon alam ko na kung bakit niya ako pinagpalit.
The woman he replaced me with is beautiful, younger, and, above all, elegant, unlike me, who has to break my bones just to support myself.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at naisipan ko na lang lapitan sila. Kita ko sa mga mata ni Dexter ang labis na pagkagulat at napaiwas pa siya sa’kin nang tingin. I glanced over at the woman he was with and she was looking at me all surprised. She's got this angel face, no wonder Dexter fell for her.
“H-hi,” nauutal kong bati.
“Hello po, sino ka?” Napalunok pa ako at para bang hindi ko kayang magsalitang muli.
“I-I’m h-his c-college friend,” pagsisinungaling ko.
Ang totoo niyan ay gusto kong sabihin sa kaniya ang totoo at sampalin siya sa harapan ng babae niya. Pero mas nangibabaw ang pagmamahal ko sa kaniya. Sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya ay hindi ko namalayang unti-unti na niya pala akong niloloko. I never noticed that because he’s being nice to me and more caring. Ito ba ang way niya para hindi ko malaman ang mga kasinungalingan niya?
“Oh hi! Nice meeting you po, by the way I’m his girlfriend.” Inilahad niya pa ang kamay niya pero bago ko pa kunin ‘yon ay tumayo si Dexter sa kaniyang upuan.
“Let’s talk,” mahina niyang saad.
Ngumiti lang ako sa kaniya at pinipigilan ko namang pumatak ang mga luha ko. Marahan akong umiling at pagkuwan ay tumalikod na sa kanila.
Hindi pa ako gaanong nakakalayo nang hawakan niya ako sa aking braso at mariin akong napapikit. Ayokong humarap, dahil oras na humarap ako ay baka doon na tuluyang tumulo ang mga luha ko na kanina pa nagbabadya.
“Kim, I-I’m sorry. I don’t know h-how to say it to you,” bulong niya at unti-unti niyang binitawan ang kamay ko tulad ng pagbitaw niya sa pagmamahal niya sa’kin.
Hindi ko pa rin siya hinarap at nanatili lang kami sa ganoong ayos. Huminga pa ako ng malalim ng sa gano’n ay maibsan ang sakit na nararamdaman ko. I need to be strong, but what about the pain I'm feeling right now? How can I forgive him despite what he did? In the seven years we were together, he never did anything that would hurt me. He was good to me in those seven years, and he made me feel like I was the only woman he loved. And that's where I was blinded, thinking I was the only one.
“Why would you hurt me this way? What did I do to you Dex?” Nakatalikod ako at kuyom ang aking mga palad at hinihintay ang sagot niya.
“K-kim…”
“You know that I loved you, binigay ko ang lahat na halos wala ng matira sa’kin. Ikaw ang naging sandalan ko sa lahat bukod sa kapatid ko. I never knew that we’ll end up like this.” Hindi ko na siya narinig na nagsalita pa kaya tumakbo na akong palayo.
Sapo ko naman ang dibdib ko at doon na tuluyang bumagsak ang mga luha ko. Wala na akong pakialam kung makita man ako ng mga taong nakakasalubong ko na umiiyak basta ang alam ko lang ay makaalis na ako sa lugar na ito.
Pumara ako ng taxi at sinabi ko naman kung saang lugar niya ako ihahatid. He's been asking me to marry him for ages, but I just can't leave my only sibling. She’s the only family I've got left since our parents died in that accident. May sakit siya at hindi puwedeng iwan ko naman lang siyang mag-isa kahit na hindi naman nalalayo ang edad namin sa isa’t-isa.
“Ma’am namdito na po tayo.” Napatingin ako sa labas dahil kanina pa pala ako wala sa aking sarili.
Bumaba na ako at nagtungo sa loob ng malaking mansyon. I don't know why I decided to come here, and there's only one thing I want to happen.
May isang lalaking sumalubong sa’kin at hinanap ko naman ang tinatawag nilang pinuno. He suddenly showed up at my workplace and offered me something I couldn't do. It never crossed my mind to do something that would endanger me, especially my sister.
Binuksan ng lalaki anng malaking pintuan at nagulat ako nang makitang maraming tauhan niya ang nakapalibot sa kaniya. Nakaupo siya sa pang-isahang upuan at naka-krus ang mga binti at mukhang expected niyang darating ako dahil sa akin agad nakatuon ang kaniyang paningin.
“Welcome to my place, what brings you here? Have you made up your mind?” Sumenyas pa siya at isa-isang lumabas ang mga tauhan niya.
Kami na lang dalawa ang tao rito sa malaking oposina niya at nakatayo naman ako sa kaniyang harapan. Inilibot ko pa ang paningin ko at puro mga baril ang aking nakikita na nakasabit sa pader.
“Mali siguro ako ng napuntahan aalis na ‘ko.” Akmang tatalikod na ako ng muli siyang magsalita.
"Once you enter my kingdom, you will never leave alive. Unless you obey my commands.” Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko dahil sa takot at maya-maya pa ay tumayo siya at lumapit sa’kin.
Gusto kong tumakbo pero parang nakapako na ang mga paa ko at kapag ginawa ko ‘yon ay tiyak na papatayin niya ako.
Pinatili ko na lang kalmado ang sarili ko kahit na kanina pa ako pinagpapawisan habang papunta ako rito sa kaniyang opisina. Inangat niya ang baba ko at nakatingin namin kami sa isa’t-isa. Sa tantya ko ay nasa edad trenta pa lang siya dahil bata pa itong tingnan. Matikas din ang pangangatawan niya at kulay abo mga mata.
“I know why you are here. Is it because of your f*****g boyfriend?” Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at tinanggal ko ang kamay niya sa aking baba.
Paano niyang nalaman ang tungkol kay Dexter? Minamanmanan niya ba ‘ko?
“Sabihin mo nga sa’kin, sino ka? Bakit inaalok mo sa’kin ang trabahong ‘yon?” Mahina pa siyang tumawa at nagtungo sa mga baril na nakasabit sa pader.
Kumuha siya ng isa at nilagyan ‘yon ng bala. Mas lalo akong kinabahan dahil mukhang hindi na ako makakalabas pa ng buhay dito. Napaatras na lang ako ng humarap siya sa’kin at unti-unting lumalapit.
“Take this,” sabay abot niya sa’kin ng baril.
“Anong gagawin ko diyan?”
"So, the reason you're here is because your boyfriend cheated on you, am I right?" Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka.
“Sino ka bang talaga?!” sigaw ko sa kaniya.
Pumitik siya sa ere at lumabas ang isang tauhan niya at lumapit sa kaniya. May ibinulong siya rito at pagkuwan ay tumalikod ulit. Maya-maya pa ay bumalik ulit siya at laking gulat ko nang makita siya.
“Ate,” mahinang tawag niya.
Lalapitan ko sana siya pero humarang ang tauhan niya. Galit akong napatingin sa pinuno nila at walang sabi-sabi kong kinuha sa kaniya ang baril at tinutukan siya.
“Anong ginawa mo sa kapatid ko?! Hayop ka bakit pati siya dinamay mo?” Umiiyak kong turan sa kaniya.
“Do you know how to use that?” Pinutok ko ito at tumama ‘yon sa flower vase na naka-display sa kaniyang likuran.
Hindi ko siya makitaan na natakot man lang pagkatapos ko ‘yon iputok. Nanatili pa ring nakatutok sa kaniya ang baril na hawak ko kahit na nanginginig pa rin ang mga kamay ko.
“You’re trembiling honey. You need to learn how to aim before you unleash that,” nakangisi niyang saad. Your sister is sick, isn't she? I'll cover all their medical costs, whatever they need. And I'm prepared to give you everything you deserve.” Mas lalo akong naguluhan sa huling sinabi niya at hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa’kin at mabilis na kinuha ang barili.
Napappitlag ako nang hapitin niya ako palapit sa kaniya at inilapit pa niya ang kaniyang bibig sa aking tainga. Napapikit na lang ako at pigil naman ang aking paghinga.
“I’m your uncle, your mom’s little brother.” Napamulat ako sa aking narinig at umikot ang ulo ko para tingnan siya.
Lumayo na siya sa’kin at ako naman ay labis pa rin ang pagtataka.
"Look, if you wanna know anything about me and why I'm doing all this, first you gotta do what I tell you. I want you to kill Dexter Ortalez.” Para akong namutla sa aking narinig at bahagya pang napaatras.
Tumingin ako sa kapatid ko na medyo namumutla dahil sa iniinda niyang sakit. Umiling siya sa’kin at napabaling naman ang tingin ko sa lalaking nagpakilalang tito ko raw siya.
“You choose, Kimmie. Your sister Hazel or your long time boyfriend but he cheated on you?”
Sunud-sunod na pumatak ang mga luha ko dahil hindi ko gustong gawin ang pinapagawa niya. Pero mas lalong hindi ko rin gusto kung may mangyaring masama kay Hazel.
“Okay, I’ll do whatever you want. But in return you’ll do whatever we want.” Sumang-ayon naman siya sa sanabi ko at ibinigay niyang muli ang baril sa’kin.
Nang nasa kamay ko na ito ay hinawakan niya ang kamay ko at itinutok niya ang dulo nito sa kaniyang noo.
“Shoot him here or maybe here.” Tinutok niya ang baril sa kaniyang puso habang mahigpit ko iyong hawak. "You're gonna be one hell of an assassin someday. I bet tons of people will be lining up to hire you”
Siguro nga ito na ang nakatadhana sa’kin. I'm forced to walk a dangerous path to keep my sister and me alive. I hate it, but I'll do whatever it takes to keep her alive, no matter what.