CHAPTER ONE

1824 Words
      Chiaka's POV Its been a year simula noong nawala si Miyu sa amin simula noon medyo may nagbago sa amin kasama na doon ang powers namin. Hindi na sya gaya ng dati at hindi na namin alam kung bakit. Rika can't make a red fire but she can make a blue one. Sabi samin nila lolo mas makapangyarihan daw iyon. And still she can still lift anything she wants. Her eyes change. It's not a normal's eyes its like a blazing fire like her hair. Jaja. Nasa kanya pa rin naman ang black air at ganun pa rin naman sya kaya lang hindi na sya energetic, para syang pabebe simula noong nawala si Miyu, still her eyes isn't the same anymore, dati gray mata nya now? It's ruby-red eyes. Nagbago din ang kapangyarihan nya kahit nasa kanya pa rin ang black air yung mata nya hindi lang nakikita ang malalayo, hindi lang ito parang xray kundi kaya na rin nito nakakita ng future and past through looking straight into someone's eyes. Pero kahit na inosente na ang mukha nya mababakas pa rin ang pagkaotoridad nito lalo na pag may ginagawa kaming misyon. Renji and Maya. Kaya pa rin naman nilang gamitin ang kapangyarihan ng bawat isa but they inprove a lot. Renji can now command the wind, dagdag pa dun ay kaya nya ng gumawa ng lightning through wind hindi ko nga alam kung paano naform ang kidlat sa kapangyarihan nya. Kung ang normal na mata ni Renji ay Orange brown pag ginagamit nya ang kapangyarihan nya nagiging azure blue. Si Maya naman still can manipulate the time and she can also go whenever dimension she want pero sabi nya samin may dimension sya na hindi nya kayang pasukin at isang dimension lang yun. Simula noong nacontrol nya ang kapangyarihan nya nagbago na ang kulay ng mata at buhok nya, kung dati black ngayon blonde no I mean golden hair at natural na yun ang mata nya naman ay emerald green. Jasper? He still can hear, talk and see a spirit yet mas pinili nyang hindi na lang to gamitin lagi, yes, oo, master nya na ang powers nya. Maraming nagbago sa kanya lalo na ang ability nya. Nadagdagan nga eh kung noong una ay necro lang or Spiritual Affinity ang ability nya ngayon? Hindi. He can make shields na kaya kaming protektahan sa laban pero hindi lahat kundi ang mga may deep connection lang sa kanya. He has shortish brown hair and brown-goldenish eyes.  Vinle aren't change at all maliban sa pagiging cool nya at pagiging alaskador, natalo nya ata si Jasper eh yun ay dahil sa pagkawala ni Miyu alam naman kasi naming tinatago nya lang ang lungkot sa pagtawa at pang aalaska nya eh. Yung glaive nga na binigay ni Miyu ang lagi nyang gamit and take note alagang alaga nya pa yun. Mas gumaling sya sa panggagamot actually ngayon ay nasa top one rank sya pagdating sa medical section. At ako? Ayun ganun pa rin yun nga lang may symbol na lumalabas sa noo ko kapag ginagamit ko ang kapangyarihan ko at nagiging black din ang blonde ko nang buhok. Kung noon baliktad ngayon bumaliktad na naman. Nakakabasa na rin ako ng galaw ng mga tao in short alam ko ang mga gagawin nila once na nahawakan ko sila pero para sa isang oras lang yun kaya iba pa rin sa kapangyarihan ni Maya. "Hoy Chiaka" napabalik naman ako sa katinuan ko ng sigawan ako ni Vinle sa harap ko "Kanina ka pa namin kinakausap eh" "Huh?" "Sino ba iniisip mo ha? Lalaki ba yan? Kailangan namin muna syang banatan ni Vinle at Renji" dagdag naman ni Jasper at umirap ako. "Isip nyo. Wala pa sa isip ko ang magkaroon ng lalaki sa buhay bukod sa inyo" sabi ko at iniligpit ang mga papeles na nasa mesa ko at nagkantsawan naman sila. "Kiligin yang mga yan Chiaka wag kang ano" sulpot naman ni Jaja at Maya, this two really. Ang elegant nilang tingnan. "Hayaan nyo silang mamatay sa kilig" natatawa namang dagdag ni Rika sa tabi ko. "Pero kung ako talaga sa inyo binibilisan nyo na" sabi naman ni Maya. Kaming pito na lang ang natira sa Special Legendary kaya naman kaming pito na lang ang may ari ng isang office dito sa Twelve Academy pero kahit pito na lang kami ay may isang table dito na para lang sa isang tao. Hindi na man namin sya kasama at least naaalala namin sya kapag nakikita namin ang table nya. Sya lang ang motivated lagi sa trabaho samin at simula noong nawala sya ako na ang naging number one, si Rika naman ang two, three si Maya, four si Renji, five si Jaja, Six si Jasper and last sa ranking namin si Vinle pero sya ang nangunguna sa medical section. Pagkatapos kong magligpit ay agad naman kaming lumabas sa office at agad agad din naman kaming pinagtinginan, they praise us for what we've done on the war pero hindi man lang namin maappreciate yun. We lost her, we lost our Miyu. Our best of friends. "Hindi talaga sila magsisitigil" nakasimangot na sabi ni RIka habang katabi ko sya at sa likod naman namin si Maya at Jaja. "Sa tagal ng panahon hindi pa rin ba talaga kayo masanay?" sulpot ni Makoto at sumabay sa paglalakad. "Dama ko kayo" dagdag naman ni Shana. Hindi ko alam kung bakit parang uso ata sa kanila ang sulputan ngayon. Sa mga nakaraang araw pagkatapos ng war sa pagitan namin at ng mga chase phantom ay mas lalo kaming tiningala na hindi naman namin gusto, nilagay na rin kami sa class A special legendary section. Kaming pito ang unang student nun at nadagdag si Makoto at Shana bali siyam na kami ngayon. "Oo nga pala Chiaka di ba pinatawag ka nila lolo kagabi?" tanong ni Jaja sakin at napalingo naman ako sa kanya at nag nod. "Anong sabi sayo?" Bumalik ang tingin ko sa dinadaanan ko at nag nod sa kanya wala namang masama kung sasabihin ko sa kanila. "Sabi ni lolo sakin baka daw bumalik si Miyu" naramdaman ko ang pagtigil nila kaya humarap ako sa kanila "Pero syempre joke lang yun" at sabay sabay nila akong binigyan ng pokerface at saka naglakad ulit. Hindi naman kasi to ang tamang place para sabihin yun mas okay kung sa kwarto namin ko yun sasabihin para walang ibang makarinig. Habang naglalakad kami dahil hindi pa talaga tapos ang gera. Hindi pa natuluyan ang Hector na yun, binuhis na nga ni Miyu ang buhay nya pero wala pa ring kwenta. Hindi na sila nagsalita pa at patuloy na lang kami sa paglalakad, kusang naggi-give way ang mga student sa amin ni wala ngang may gustong humarang samin. Hindi namin alam pero parang takot na takot sila sa amin pero hindi na lang namin yun pinapansin wala din naman kasi kaming mapapala. Gustuhin man naming makipagkaibigan sa kanilang lahat pero parang ayaw nila, ayaw nila kasi ang tingin nila ay ang baba nila. Hello hindi naman namin iniintindi ang status ng tao para makipagkaibiga. Porket granddaughter kami ng 12 phantom at isa sa pinaka malaking naiambag sa war eh ganito na ang tingin nila sa sarili nila? Ang baba naman ata. Nang makarating kami sa classroom namin ay agad naman silang nagsiupo sa upuan nila at pumuwesto naman ako sa teacher's desk saka sila sumeryoso. Alam nila na may ibabalita ako kaya ako nandito sa harap. "May problema ba Chiaka?" Tanong sakin ni Shana at huminga ako ng malalim. "Kagabi sabi ni lolo January na may nakapasok daw na Chase phantom dito at nagpanggap na student" sabi ko at sumeryoso pa lalo ang mukha nila. "Edi matik na na ang mga new student ang suspect" "Hindi tayo pwede magbintang basta basta Jasper" sabi naman ni Jaja "Malay natin may nawawala pa lang student" "May nakikita ka ba Jaja?" Tanong ni Rika. "Wala akong nakikita dahil natural na hindi ko pa nakikita ang mga mata nya" at nag nod naman kami "But I have my own prediction" dagdag nya pa. Pareparehas kaming kumunot ang mga noo. Si Jaja pag may napepredict meron lang 00000.01 percent na pumalya ibig sabihin malaki ang chance na magkatotoo ang sasabihin nya. Sana hindi masamang balita ang dala nya. "Ano yun Ja?" Tanong ko. "There's two transfer student na papasok sa class natin" tumpak totoo nga "At silang dalawa ay masyadong kalmado at misteryoso. Hindi nila kilala ang isa't isa at parang wala silang paki sa mundo. Pero meron pang isa." Nakatingin lang kami kay Jaja habang nagsasalita sya "The next war is coming" Halos tumigil ang mundo ko sa narinig ko. What? The next war is coming? Pero hindi pa kami malakas! Konti na lang din ang bilang namin dahil sa nangyaring gulo one year ago. Ayoko na rin mawalan ng kaibihan, ayokong may sumunod kay Miyu. Nanginig ang buong katawan ko at saka ko napakiramdaman na matutumba ako buti na lang may sumalo sa akin. "Wag masyadong matakot" sabi nya "This time walang mawawala kahit isa sa atin, mananalo ulit tayo ng walang namamatay sa grupo natin" dagdag pa nya. "Tama si Vinle" sabi naman ni Jasper. "Nandito lang kami, hindi kami papayag na may mawala satin. Isa pa prinsesa namin kayo eh" dagdag naman ni Renji at napangiti kami. "Ibang klaseng friendship" naiiling na sabi ni Shana at saka ako inalalayan umupo ni Vinle "Vinle alam mo na naman magparelax ng nerves di ba?" Tanong ni Shana at nag nod naman su Vinle. "Good then, pakalmahin mo si Chiaka sa panginginig grabe baka di na yan makapag store ng data sa utak nya" Magsasalita pa sana ako ng hindi na ako payagan ni Vinle at sinimulan na nya akong pakalmahin. Ang nerves ko. Bumalot ang mint green na kulay sa buong katawan ko and I feel so relax. Napatingin naman kami sa bumukas na pinto at nakita namin ang magiging teacher namin. Isang terror pero mukhang ang bait nya samin hindi gaya noong hindi pa nya alam na apo kami ng 12 phantom, noong hindi nya pa alam kakayahan namin. "What happened to Miss Chiaka?" Tanong nya habang may dalawang babaeng nakasunod sa kanya. Sila siguro ang transferee na sinasabi ni Jaja at nila lolo. "Nagkameeting lang kami. Pero okay na sya" sabi ni Vinle at inalis ang kamay nya sa kamay ko "Wag ka na mag alala ha? We're just here beside you" at nag nod naman ako. Napabalik ang baling naming lahat ng tumikhim ang magiging teacher namin ngayon araw, ewan ko lang kung ano ang subject nya sa amin. Sabi ng ibang teacher dito na malaki ang chance na mapaalis to dahil sa pananakit ng student, hindi nga lang nya magawa sa amin. "The 12 phantom said that they will join you in your class" tapos tumingin sya sa dalawa "Introduce yourself" "I'm Naomi" "Mina" This two. Jaja is right they both really mysterious to the mere fact na hindi ko malaman ang gagawin nila sa loob ng isang oras. I cant see their one hour future. Tumingin ako kay Jaja at umiling naman sya. It means hindi nya rin alam kung sino ang dalawang to. Ibig sabihin they are also sort of special, hindi ko mabasa ang galaw nila pati na rin ang gagawin nila sa isanf oras gaya ng sa barkada ko. Pero kahit na ganun they should feel welcome. Ngumiti kaming lahat. Agad naman silang pinaupo at naupo naman si Mina sa harap ko si Naomi naman sa likod ni Maya. Malalaman din naman namin kung sino kayo eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD