CHAPTER 2

1891 Words
NAPATINGIN si Mia sa upuan ni Audrey. Wala ito. Lumiban ito sa klase. Panay ang tanong sa kaniya ng mga kaklase nila kung nasaan si Audrey pero wala naman siyang maisagot. Though they were friends, there are some things that needed to be private. Mia was so focused on her painting that she hadn’t noticed the time. Nang matapos niya ang painting niya, malapit nang mag-alas singko ng hapon at malakas ang ulan sa labas. Napabuntong hininga siya saka iniligpit ang mga gamit. Mag-isa na lang siyang naiwan sa classroom nila kaya naman siya ang nag-ayos ng mga nakakalat na gamit sa loob ng room. Nang matapos na maayos ni Mia ang mga nakakalat na gamit, inilagay niya sa gilid ng classroom ang bagong canvas na pininta niya. She switched off the light and the room became dark. Lumabas si Mia saka ini-lock ang pinto. Walang nadala si Mia na payong dahil akala niya hindi uulan dahil masakit ang sikat ng araw kaninang umaga. Mia ran in the pouring rain, holding her bag above her head. Tinakbo niya ang pathway at doon naglakad palabas ng school dahil may silong ito. Medyo nabasa siya pero hindi na niya ‘yon pinansin. Nang makalabas siya ng university, malakas pa rin ang ulan at maraming estudyante at mga guro ang nakasilong sa may waiting shed. Ngayon problema ni Mia kung paano makauwi. Malakas ang ulan at parang hindi na ito titila. Ramdam niya ang lamig dahil sa hangin at medyo basa rin ang damit niya. May driver naman sila pero nahihiya siyang magpasundo dahil baka makaabala siya. Just as the rain slowly stopped, the students in the waiting shed had left and a car parked in front of Mia. Bumaba ang bintana ng kotse. Nagulat ang dalaga nang makita niya si Austin. Austin smiled. “Pauwi ka na ba?” Tumango si Mia. “Sabay ka na sa akin. Ihahatid kita. Mahirap ng kumuha ng taxi ng ganitong oras.” Austin offered. Tinignan ni Mia ang oras sa suot na relo. It was already six in the evening. Medyo madilim na rin at kapag ganitong medyo madilim na, natatakot siyang manatili sa labas. Mia looked at Austin. Though it will be awkward for her, she wants to go home now. “Get in.” Tumango si Mia saka patakbong tinungo ang passenger seat. She quickly opened the door and get inside. “Salamat.” Wika ni Mia. Austin smiled. Napansin niyang basa ang damit ni Mia kaya naman hinubad niya ang suot na coat at iniabot ito sa dalaga. “Wear it. Nilalamig ka yata.” Concerned na saad niya. “Paano ka?” tanong ni Mia. “Don’t worry, mas mataas ang temperatura naming mga lalaki kaysa sa inyo. At isa pa, hindi naman ako nilalamig.” Ani Austin. “Salamat.” Wika ni Mia saka kinuha ang coat ni Austin saka ito isinuot. Mainit ang coat kaya naman nawala ang panlalamig ni Mia. Austin turned off the airconditioned in his car. “Saan ka nakatira?” tanong niya kapagkuwan. Agad namang sinabi ni Mia ang address ng bahay niya. Habang humaharurot ang kotse, walang nagsasalita kay Austin at Mia. Pareho silang tahimik dahil parehong wala naman silang alam na sasabihin sa isa’t-isa. Nang makarating sila sa bahay ni Mia saka lamang na may nagsalita sa kanilang dalawa. “Salamat sa paghatid, Kuya.” Ani Mia. Huhubarin na sana ang coat na suot pero pinigilan siya ng binata na natigilan naman sa itinawag sa kaniya ng dalaga. “Isuot mo na lang. Baka magkasakit ka pa.” “I’ll wash it and give it back to you later.” Umiling si Austin. “No need. It’s yours.” Aniya habang nakangiti. Nagtaka si Mia pero hindi na siya nagtanong. Sa totoo lang masaya siya na ibinigay ni Austin ang coat nito sa kaniya. Bumaba si Mia ng kotse saka patakbong lumapit sa gate. Binuksan niya ito saka pumasok sa loob. Nang sumara ang gate, napatalak si Austin saka nahampas ang manibela. “Nakalimutan kong tinanong ang pangalan niya.” Pagpasok ni Mia sa loob ng bahay, nakita niya ang ina at ang stepfather niya na nasa living room. “Anak, nabasa ka ba? Ang lakas ng ulan.” Nag-aalalang saad ng ina ni Mia. Umiling si Mia. “Hindi naman po.” Aniya. “Hindi ka kasi nagdala ng payong, ate.” Wika naman ni Charles. Ang sampung taong gulang na kapatid ni Mia. Anak ng kaniyang ina at ng kaniyang Papa Johan. “Dapat nagpasundo ka na lang sa family driver natin, anak.” Wika naman ng stepfather ni Mia pero itinuring na ito ni Mia bilang tunay na ama dahil mabait ito sa kaniya. Ngumiti si Mia. “Ayos lang po, Pa. Sa susunod na lang po.” Aniya. Tumingin siya kay Charles. “Bata ka, nasaan ang payong ko?” Painosenteng ngumiti si Charles. “Wala na, Ate. Ibinigay ko na sa iba.” Mia glared at her brother. “Ang mahal ng bili ko no’n. Pinamigay mo lang.” Charles stuck out his tongue. “Charles, that’s bad,” Johan warned. Ngumisi si Mia. She stuck out her tongue at her brother. “Tama na nga ‘yan baka mag-away na naman kayong dalawa.” Awat ni Camila sa dalawang anak. Bumaling siya kay Mia. “Magpalit ka ng damit mo, anak. At pagkatapos mo, bumaba ka na at kumain na tayo ng dinner.” “Opo, Ma.” Tugon ni Mia saka umakyat ng hagdan. Nasa kalagitnaan siya ng hagdan nang tumigil siya at tumingin sa magulang na nag-uusap sa salas. “I will hire another driver for Mia. Baka sa susunod gabihin siya ng uwi. Delikado pa naman.” Nag-aalalang saad ni Johan. Umiling si Camila. “Hindi papayag si Mia. Alam mo naman na malayo ang loob niya sa ibang tao lalo na sa mga hindi niya kilala. Kung kukuha ka ng driver niya, baka hindi rin lang siya magpapahatid. Mas gugustuhin pa niya ang mag-commute kaysa ang ipag-drive siya.” Napabuntong hinunga si Johan. “Then what should I do? I am worried about my daughter.” “It’s okay. Malaki na si Mia. Kaya na niya ang sarili niya. Let’s just trust her and let her grow.” Johan hugged his wife. “But I want to spoil her more.” Ngumiti na lamang si Mia saka umakyat ng hagdan at nagtungo sa sariling kwarto. Mabait ang naging stepfather niya at ibang-iba ito kaysa sa tunay niyang ama. Her real father was an alcoholic and often beat her mother. Her father died after falling on the stairs, drunk. Napabuntong hininga si Mia saka pinilit na kalimutan ang tungkol sa nakaraan. Maayos na ang buhay nila ng kaniyang ina. The past should be buried in the past. Pagpasok ni Mia sa sariling kwarto, hinubad niya ang suot na coat. She stared at the coat and couldn’t help but smell it. The masculine scent of Austin was still lingering on the coat, and she didn’t want to wash it. Napailing na lamang si Mia sa sariling kolokohan. And she really planned not to wash the coat para hindi mawala ang amoy doon ni Austin. Mabuti na lang at siya lang ang nakakaalam na crush niya ang lalaki. Ayaw niyang sabihin ito sa iba dahil ayaw niyang matukso. Lalo na at malakas manukso ang mga tao sa paligid niya. Naligo si Mia at pagkatapos niyang magbihis ng pantulog, lumabas siya ng kwarto at nagtungo sa kusina. Naghahanda na ang magulang niya ng hapunan nila nang makapasok siya sa kusina. Mia looked outside and saw that the rain had stopped. “Halika na, anak. Kumain na tayo.” Tumango si Mia at umupo na. “Should I buy you a car? Marunong ka naman ng magmaneho.” Wika ni Johan sa anak habang kumakain sila. Mabilis na umiling si Mia. “Hindi po. Tinatamad po akong magmaneho.” Johan sighed and looked at his wife. Ngumiti na lang si Camila. “Hayaan mo na.” “Fine. Pero kapag nagagabihan ka, magpasundo ka na lang kaysa ang mag-commute ka.” Ani Johan. Nag-aalala siya para sa anak lalo na at babae pa naman ito. Lalo na at may mga napapabalitang mga babae na nawawala. “Opo.” “Papa, ako na lang ang bilhan mo ng kotse,” sabad ni Charles. Mia gave her brother a cheeky smile. “Bakit? Marunong ka na bang magmaneho? At isa pa, wala ka pa sa legal age. Minor ka pa lang. Huliin ka pa ng pulis diyan, eh.” Aniya. Charles pouted. Napailing naman si Johan at hindi na sumama sa usapan ng dalawang bata. Habang kumakain sila, nagsalita ang ina ni Mia. “Anak, may kaibigan ako at may anak siya. Wala pa raw girlfriend ang anak niya.” Mukhang alam ko na kung saan ito papatungo. Wika ni Mia sa isipan. Nginitian niya ang ina saka tumingin sa kaniyang Papa Johan. Nag-iwas naman ng tingin si Johan. If his wife speaks, even if he wants to help his daughter, he doesn’t have the final say. “I arranged a blind date for you.” Mia pouted. “Ma, ayaw ko.” Aniya. “May business trip kami ng Papa Johan mo kaya naman goodluck, anak. Nag-aalala ako sa ‘yo, eh.” Sabi ni Camila at hindi pinansin ang pagtanggi ni Mia. “Oo nga, Ate, para mabawasan naman ang pagkasungit mo.” Ani Charles. “Shut up,” Mia said to Charles and looked at her mother. “Ma, college pa lang ako. Hindi pa ako graduate,” she reasoned. “Hindi ko naman sinabing mag-asawa ka na. Blind date lang ‘yon, anak. Kung ayaw mo siya, edi kausapin mo lang. Huwag mong sungitan. It’s better if you talk politely pero kung babastusin ka niya, sabihin mo sa akin at ako ang haharap sa kaniya.” Naging matapang ang boses ni Camila sa mga huling salita na binitawan nito. “Pero…” Sasagot pa sana ni Mia pero muling nagsalita ang kaniyang ina. “Baka hindi ka na makapag-asawa niyan, anak. Sige na. Subukan mo lang naman, anak. Nakita ko na ang blind date mo. Gwapo tsaka mukha namang mabait.” Mia rolled her eyes into the air. “That’s the point, Mommy. Mukhang mabait,” she said, quoting into the air. Uminom siya ng tubig. Natawa naman si Johan na nakikinig sa mag-ina. “Basta pumunta ka. Kung magustuhan mo siya, then date him. Pero kung ayaw mo talaga, then it’s up to you.” Napanguso si Mia saka nagpatuloy sa pagkain. “At isa pa, matalik na kaibigan ng Papa Johan mo ang ama ng ka-blind date mo. They have been business partners for many years.” Napatingin si Mia sa Papa Johan niya. Malaki ang utang na loob niya rito. Hindi ito ang tunay niyang ama pero itinuring siya nito bilang isang tunay na anak. Napahinga siya ng malalim. “Fine, Ma. I’ll go.” Lumiwanag ang mukha ni Camila. “That’s great, anak.” Masaya niyang saad saka nagmamadaling kinuha ang cellphone saka may tinawagan. Napailing na lang si Mia saka tinignan ang kapatid. Tawang-tawa naman ito sa kaniya kaya inabot niya ang pisngi ni Charles saka kinurot. Ang kulit rin ng kapatid niyang 'to minsan. Ang hilig mang-asar lalo na sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD