Napako na akong bigla sa kinatatayuan ko habang nakatulala at hindi makapaniwala sa nakikita kong hitsura at buhay ni Ace ngayon. Kailan ba kami huling nagkita? Seven months ago? Mukhang okay pa naman siya noon ngunit bakit ngayon? Naalala kong bigla ang sinabi ni tito David na ibinenta niya ang kotse niya at condo unit niya. Saan niya dinala ang pinagbentahan niya ng mga iyon? Malaking halaga 'yon kung tutuusin kaya bakit naririto siya at naging vendor? Nagkakagulo pa rin ang mga mamimili sa kaniya. Mapa-matanda, bata at karamihan ay mga estudyante. Siguro ay masarap talaga ang paninda niya. Paano kaya siya natuto magluto ng mga 'yan? At saan siya nakatira ngayon? Naisipan kong magtanong-tanong sa mga tindera ng mga damit. Hindi na lang muna ako lalapit sa kaniya. Hindi ko kasi alam