BOOK 2: Pagkatapos ng ilang araw na burial ni Mama ay nagpasya na kaming magkapatid na umuwi na sa San Villa Rocque dala ang abo ni Mama. Kasama naming nagtungo doon si Sir Yanlee. Sa tabi ng puntod ni Papa at ni tita Abiegail napili ni Avriah na ilibing ang abo ni Mama. Napakatahimik na mansion ang bumungad sa amin. Wala na si Brunette at ang kanyang mga tauhan. Tanging mga katiwala na lamang ang nadatnan namin doon na siyang nagpapanatili ng kalinisan ng lugar. Ayon kay Sir Yanlee ay nagapi na ang mga tauhan ni Brunette na muntik nang humalay kay Avriah ngunit si Brunette ay nananatili pa ring wanted at patuloy pa rin niyang ipinahahanap. Lumabas ako ng silid ko matapos kong mag-ayos ng sarili. Dumaan ako sa silid ni Avriah at Yanlee ngunit napakatahimik pa rin sa loob kaya't nagpa