DANICA SANTILLIAN's pov (other half) " good!! Ganyan lang ang gawin niyo. Magcreate kayo ng intimate scene okay?!" Sigaw ng photog. " intimate daw.." Bulong niya naman sa akin. Kala neto papatalo ako sa kanya? No way! Hinapit ko siya bigla sa batok dahilan para magdikit ang ilong namin. * click!* * click* *click* Kitang kita ko sa mga mata niya na nagulat siya pero nang makabawi siya hinawakan niya ang baba ko at itinangala iyon. At kamuntikan na akong mapamura nang gahibla nalang talaga at mahahalikan na ako ng lalaking to! One wrong moved at magdidikit talaga ang labi namin. " perfect!" Sigaw ng photog. Ts. Ganyan pala gusto niya ah! hinapit ko lalo ang batok niya at siniil siya ng halik. Bago ko ipinikit ang mga mata ko ay gulat ang rumehstro sa mata niya. *click!