Selena's POV Hanggang sa makapasok kami sa loob ng room hindi ko pa rin pinansin si Dale. Sunod ng sunod parang buntot ng pagi. Pagkatapos niya akong ipahiya sa loob ng elevator. Sa dami niyang sinabi halos lahat nakatingin sa amin dahil sa mga corny niyang jokes. "Aren't you really going to talk to me?" Napalingon ako sa kaniya ng ibalibag niya ang pinto at ini-lock kaagad ito. Pinagmasdan ko siyang naglakad palapit sa akin. Dami niyang problema sa hindi ko pagpansin sa kaniya. Kumukunot na ang noo niya. "Maliligo lang ako," paalam ko sa kaniya. Ang totoo gusto ko lang siyang iwasan. Hindi natuloy ang paglapit niya sa akin dahil agad akong lumayo sa kaniya. "What?" Reaksyon niya. Nasa pintuan na ako ng banyo. "Anong oras na, maliligo ka pa? As far as I know, bawal maligo sa gab