Selena's POV Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Tumambad sa akin ang puting kisame. Tumambad rin sa aking harapan si Dale. Kanina pa ba siya nakatingin sa 'kin? Ngayon ko lang na-realize nasa silid ako ni Dale. Anong nangyari bakit nandito ako sa silid niya? "You lost consciousness after what happened earlier," sinagot na nga ni Dale ang katanungan sa isip ko. Napatingala ako sa kaniya. Nakatitig pa rin siya sa 'kin. "Kanina mo pa ba 'ko tinititigan?" Naiilang na tanong ko. Tumayo naman siya mula sa pagkakaupo. Gumalaw ang kama dahil umupo siya sa tabi ko. "I just thought of something despite everything you experienced last week. I shouldn't have tortured you. I'm sorry, i'm just so hurt because you rejected my offer." seryosong sabi niya. Hinawakan pa niya ang aking