Marahas na itinulak ni Alvin si Roman. Tumama naman ito sa pader. Puno ng dugo ang bibig nito dahil sa mga suntok ni Dale bago tuluyan itong dinala sa basement. Nanghihina at puno ng sugat. Napagpasyahan ni Dale na hindi muna niya ito papatayin. Papatayin niya ito ng paunti-unti hanggang sa magmakaawang patayin na lang niya ito ng tuluyan. "Boss, anong gagawin namin sa kaniya?" tanong ni Alvin. "Bahala na kayo sa kaniya, torture him as long as you want." muli ay sinulyapan niya ang lalaking hirap na hirap sa gilid habang nagpupunas ng sarili nitong dugo. Kulang pa ang pagpapahirapp niya sa ginawa nito sa babaeng mahal niya. Kulang ang pagpatay kaagad sa lalaking nagpahirap kay Selena. He wanted it to also experience what Selena had experienced at the hands of this man. Ibinilin na