Selena's POV Napabuntong hininga ako nang makapasok sa aking kwarto. Paano ko napapanatili ang sariling kalmado ngayong gustong gusto ko ng sumbatan at patayin ang lalaking pumatay sa Dad ko. Gustong gusto ko na siyang makitang gumagapang sa sakit katulad ng ginawa niya sa daddy ko. Tinitigan ko ang sarili sa malaking salamin. Paano ko nagawang makipagharap pa sa lalaking pumatay sa daddy ko? Paano ko nagagawang pakalmahin ang sarili sa harapan ng lalaking kinamumuhian ko ngayon. Hindi ko nakikita ang sarili ko. Pakiramdam ko naging manhid ako sa oras ng malaman ko ang lahat. Wala na ngang lumalabas na luha sa aking mga mata. Namanhid na. Naubos na. Pero may kailangan pa akong gawin para mahulog ng tuluyan sa mga bitag ko si Dale Jackson. "Kailangan mo mapaibig ng husto si Rosi