Isang sunod-sunod na suntok ang pinakawalan ni Dale Jackson sa mukha ni Alvin. Sapol na sapol naman ito kaya walang tigil rin ang pagdurugo ng putok nitong labi. Dahil sa suntok ni Dale. Gumanti naman si Alvin. Ganun din ang nangyari sa labi ni Dale. Putok rin ito at dumudugo. Sabay silang nagpunas ng kani-kanilang mga dugo. Sabay silang napatingin dahil sa humahangos na nagmamadaling tauhan ni Dale. "Boss! Nagkakagulo na po sa labas! Nandito po ang kalaban niyo!" Habol hininga na sumbong nito. Sabay na nagkatinginan si Alvin ay Dale. "What the fvck! Where is Selena?" Agad na hinanap niya si Selena. Kumuha kaagad siya ng baril. Napatingin siya kay Alvin na puro rin duguan. "Anong tinitingin-tingin mo?" tanong niya kay Alvin sabay hagis ng baril dito. "Ikaw na bahala kung p

