Nandito sa kwarto si Mari at inaasikaso kung ano ang mga gagawin ni Joseph ngayong araw. Hinack kasi niya ang mga files ng secretary nito. Nang matapos ipinasa niya ito sa cellphone niya at inilagay ito sa bulsa niya. At umalis na pala ang lolo nito kaya free na siyang maglakad lakad dito. Papunta siya sa kusina dahil nauuhaw siya ng di pa siya nakakarating ng marinig niya ang mga tsismis ng mga maid. "Sino kaya yung babaeng yun? Alam mo first time may dinala si Master Joseph dito sa bahay tapos parang ang care niya sa babaeng yun." "Baka ginayuma niya si Master?" "Naniniwala pa ba kayo jan? Baka nahulog talaga si Master sa kanya." "Pero parang di ko pinagkakatiwalaan ang babaeng yun." "Bakit naman? Mukhang mabait naman ha." "Anong mabait? Sa mukha lang yun pero di sa loob. Tingna