Chapter 3

1140 Words
Nandito na ang dalaga sa pinapasukan ng binata. Papasok sana siya sa loob ng harangin siya ng guard nito sa gate. "Sino ka?" "Transferee po." "Nasaan ang makapagpapatunay na transferee ka." Napaisip ang dalaga ng maalala niya yung binigay sa kanya ng Chief niya. "Ah, meron po." At binigay niya ang files na dito nga siya lilipat ng school. "Sa susunod dapat may I.D ka na para makapasok ka." "Opo." Nang makapasok na ang dalaga napatingin siya sa loob nanlaki ang mata niya sa nakita niya. Maganda pa sa iniisip niyang skwelahan ang nakikita niya. Malalaking building at puro glass ang bintana maraming puno makikita din dito ang malaking orasan may mga estudyanteng nakatingin sa kanya kaya lumakad na siya eh sa iba ang ayos niya ngayon. Ang disguise niya ngayon ay maitim siya ngayon hindi yung puti niyang kulay, may malaking eyeglasses, loose na damit na pangmanang, ang buhok niya ay wig na nakaponytail at kasama na din ang bag niya sa likod at sandal na walang hills. Napaisip siya kaya pala nagdadalawang isip na papasukin siya ng guard kanina dahil pala sa ayos nito. Napatingin siya sa mga taong nakatingin sa parang may nagbubugbugan. "Hahaha! Bagay yan sayo. Ugly creature!" "Nakakadiri kasi! Maligo ka kasi!" "At ito tubig! Yan ligo ka na!" Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa isang babaeng tahimik na umiiyak habang binabasa ng mga estudyante. Di naman siya as in na pangit maganda naman siya pero sa pananamit lang siya naging pangit. Siguro kung mag ayos ito maganda pa ito sa mga nangbubully sa kanya. Napaisip siya kung paano niya matutulungan ang babae. Nakita niya ang isang gripo at host kaya inilagay niya ang host sa taas ng mga estudyanteng pinagtulungan yung nerd. At napa evil smile siya at pumunta sa gripo at binuksan ito at nagtago. "Kyaaaaaa!! What's this!" Nagtatakbuhan ang mga estudyante palayo doon sa tubig. Napangiti ang dalaga sa ginawa ayan ligo ang isa ligo rin ang lahat. Habang nagtatakbuhan ang mga estudyante agad naman nitong hinawakan ang kamay nito at tumakbo sila paalis ng lugar na yun hanggang makarating sila sa isang lugar na walang masyadong tao. Hinihingal ang babaeng niligtas nito nang makarating sila sa may puno. "Are you okey?" "Oo, bakit mo ko dinala dito?" "Uhmm... dahil ah ako nga pala si Hannah Martin, transferee." Walang maisip ang dalaga kaya nagpakilala nalang siya kaysa sabihing siya ang may gawa nun. "Ah... ako rin pala si Addison Montez, Nice to meet you Hannah." "Bakit ka pala binully nila?" "Dahil sa wala akong fashion." "Ah... ganun. Mukhang pareho atah tayo. Uhmm pwede ba taong maging friends?." "Friends?" Tumango si Marieneth na kinagulat ni Addison. Bigla nalang siyang umiyak na kinagulat ni Marineth. "Teka may nasabi ba akong mali? Pasensya kung meron!" "W-wala... wala kasing nakikipag kaibigan saakin kaya ito ang unang beses na may kumaibigan saakin." Napangiti ang dalaga at hinawakan ang kamay ni Addison. "From now on were friends." Masayang tumango ang dalaga at nabigla si Marieneth ng yakapin siya nito. *Ding dong* "Mukhang kailangan na nating pumasok." Napatingin si Marieneth sa form na binigay sa kanya. "Sa room 0022 ako." "Sayang 0023 ako eh. Tara na baka malate tayo." "Teka... ang damit mo." Napahinto siya. At napakamot. "Ah... mauna ka na magbibihis ako sa cr." At tumakbo na siya. Napangiti nalang si Marieneth ng naisip niya na di niya alam kung saan yun makikita. "Wai..." Huli na nang makaalis na si Addison napabuntong hininga naman siya at naglakad. Sinundan ang mga number sa room at nakita na nga niya ang room niya at pumasok siya at nakita niya ang mga tao sa loob na nakatingin sa kanya. "Mukhang ikaw yung bagong transferee, pasok ka iha. Magpakilala ka sa mga classmates mo." "Ako nga pala si Hannah Martin, kinagagala ko kayong makilala." "Okey, umupo ka doon sa may bakante." Lumakad na ang dalaga at hinahanap nito ang lalaking dapat bantayan nito. Nang makarating ito sa upuan di padin niya nakikita ang hinahanap niya nang... *Blag* "Mr. Zander, pwede naman sigurong buksan ang pinto na walang padabog diba?" "Tsk." Nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang sa makarating sa tabi ng... teka siya na ito si Zander! Yung walang hiya na muntik niya akong masagasaan. Yan ang nasa isip ng dalaga. Umubob siya sa kanyang mesa mukhang natutulog na hindi man lang tumitingin sa dalaga. "Tsk." Di nalang niya pinansin ang binata at mas lalo na ang dinidiscuss ng teacher dahil alam na ito ng dalaga. Napatingin sila sa may pintuan ng makita nito ang kakapasok lang na lalaki na kinalaki ng mata ko. "What is he doing here?!" Palapit ito sa kanya at umupo sa tabi nito at tiningnan siya ng lalaki na di rin niya tinitingnan. "Hello." Nanlaki ang mga mata ng mga students sa loob ng classroom dahil sa pagbati ng isa sa mga gwapo sa school nila sa pangit na transferee. Nakayuko padin ito. Iniisip na bakit siya nandito sa loob ng tatlong taon ngayon lang ito nagpapakita sa kanya. "Your new here right?" Tumango lang ito kahit galit pa ito sa lalaking katabi niya dahil iniwan nalang siya sa ere nito noon. Siya si Brian Rogers, 19 years old. At siya ay isang Modelo sa Korea at Ex-Boyfriend ng dalaga. "I'm Brian and you are?" "Hannah." Di padin siya tumitingin sa binata. Tadhana na ang gumagawa ng paraan para magkita ang dalawang magkasintahan noon. At di padin nalilimutan ng dalaga ang ginawa ng kanyang nobyo noon kaya sila nagkahiwalay sa kanilang dalawa. Ganito kasi yun. Mahal nila ang isat isa pero ng dahil sa isang modelo ang kanyang boyfriend sinabi nito na lilipat ang agency nito sa korea at tatlong taon itong doon titira pumayag naman ang dalaga nang makalipas ang tatlong buwan sinundan ng dalaga ang binata sa korea dahil ngayon na ang ika apat na taon nilang pagsasama or 4 years na silang mag on nang pagpasok nito sa condo ng boyfriend nakarinig ito ng ungol na nang gagaling sa kwarto nito nang pagkabukas nito sa kwarto nakita nito ang boyfriend na may kasama sa kama at nanlaki ang mata nito nang makita nito ang girlfriend na tulalang nakatingin sa kanila. Nanlaki ang mata ng kanyang boyfriend agad tumayo. "Marieneth..." Lumapit ito sa babaeng kahalikan ng boyfriend nito kanina at sinuntok ang mukha at sinuntok din nito ang mukha ng boyfriend nito at itinapon ang dalang cake sa mukha nito. "Happy 4 years anniversary at ito na ang huling relasyon natin. Brian!" Walang emosyong sabi ng dalaga at hinalikan ito sa labi bago sinuntok ang pagmumukhang ito. Bago lumabas sa condo. Simula doon nag iba ang ugali ng dalaga naging matigas na ito at bihira na nagpapakita ng kasayahan sa ibang tao. Di na siya naniniwala sa pag ibig at masasabi nitong WTF ang pag ibig! Means Wala Talagang Forever sa love. ****** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD