Chapter 99

1815 Words

Amanda’s POV Ilang minuto ang lumipas nang makaalis sina Kaiden, ang akala ko ay tuluyan na silang umalis pero naalarma ako nang makita ko si Piolo na pawang humahangos na lumapit saakin. “S-Sina Sir Kaiden... dinudumog ng mga reporters sa baba.” Napatayo ako saaking kinuupuan at kaagad akong binalot ng pag-aalala. Mabilis akong umalis sa pwesto ko at patakbong bumaba ng hagdan. Kita kong naalarma rin ang mga tao rito sa palapag. Humahangos akong bumaba sa ground floor at pagbaba ko palang ng hagdan ay rinig ko na ang komosyon sa labas. Nahigit ko ang hininga ko at nanlaki ang mata ko nang bumungad saakin ang tila nagkakagulong mga reporter na pilit hinaharangan ng mga guards. Dumako ang tingin ko sa nakatalikod na si Kaiden at sa tabi nito ay si Magnus. Mukhang hindi sila makalabas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD