Amanda’s POV Another day to spend feeling so lifeless. Ilang araw na ang lumipas pero parang hindi naman naiibsan ang sakit. Until now, I can’t seem to accept nor to believe it. Kaiden and I... we’re over, just like that. Napahinga ako ng malalim paglabas ko ng pintuan ng apartment ko. Tila wala akong buhay habang pababa ng hagdan. Gladly, I stopped from crying, pero paminsan-minsan ay hindi ko napipigilan. Sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang nangyari. Dumako ang tingin ko kina Lei at Aling Josie na nakaupo sa harapan ng bahay nito. Parang gulat pa sila nang makita ako hanggang sa makaupo ako sa tabi ni Lei. “A-Amy.” Gulat na ani Aling Josie nang magkatinginan sila ni Lei. Wala buhay ko lang na sinalubong ang tingin nito nang muli itong tumingin saakin. “K-Kumain ka na ba— “Wal

