Amanda’s POV Ilang oras ang nakalipas at puro hanap lang ang ginawa ko. Halos halughugin ko na ang buong opisina ni Kaiden pero ni hindi ko ito makita. Kating-kati ko nang tawagan ito pero pinangungunahan ako ng takot at kaba sa kung ano mang posibleng sabihin nito. He will be so disappointed in me. Just thinking about it makes my heart ache. Kaninang umaga lang nang bulyawan ako nito sa trabaho, what more pa kaya ngayon? Baka diretsong sisantehin pa ako nito. Puno ng pawis ang noo ko at pawang hinihingal akong napaupo sa sofa, pilit iniisip kung saan nga ba napadpad iyong memory card. Halos mapasabunot ako ng mahigpit sa buhok ko dahil sa furstrasyon. Kanina pa ako hanap ng hanap rito. Wala sa sariling napatayo ako at napahinga ng malalim. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko.

