Amanda’s POV “Ito na oh,” Inabot ni Seyang saakin ang phone ko na siyang pina-charge ko. Nagpasalamat ako saka na ito binuksan. Tapos na kaming kumain at nagpapalipas nalang ng oras. Hindi na muna ako uuwi ngayong gabi dahil gusto ko na rin munang pagpahingahin si Seyang. Dahil hindi ako uuwi ay nagpumilit na rin si Kaiden na hindi ito bumalik sa bahay. Pagbukas ko ng phone ay sunod-sunod naman nagsipasok ang mga mensahe at missed calls kaya naman nangunot ang noo ko habang tutok na tutok ang mata ko sa screen. Zues, unregistered numbers, Mika, Lei, Karina— Isa-isa kong binuksan ang mga ito. From Zues: Do you know where Kaiden is? He’s not home, and he’s not also picking up my calls. Sa unang basa ko palang ay alam ko na ang ibig sabihin nito nang maalala ko ngang sinabi ni Kaid

