Amanda’s POV “Amy...” Ilang segundo lang akong nakatulala sa mukha nito. Hindi ako nakaimik ni ang makagalaw. Bumigat ang paghinga ko at kahit na bumilis ang sikdo ng dibdib ko ay kaagad ring bumalatay ang sakit rito nang bumalik sa isipan ko ang tagpo namin kanina. Kahit na gulat akong makita ito rito na halos hindi ako makapaniwala kung bakit ito naririto ay pinanatili kong umaktong normal. Walang emosyon ang mga matang tiningnan ko lang ito. “Anong ginagawa mo rito?” Malamig na ani ko pero nakatingin lang ito ng seryoso saakin. He’s still in his suit, pero basang-basa na ito. Gabing-gabi na kaya ano bang sadya niya rito? Pagkatapos ng mga pinagsasabi niya saakin kanina, hindi ko inasahang may lakas pa ito ng loob na magpakita sa harapan ko. His jaw tightened. Marahas rin iton

