Amanda’s POV Gabing-gabi na at marahan ang mga galaw ko habang papasok ng gate ng apartment na mabuti nalang ay hindi pa naka-lock. Mukhang tulog na rin ang mga tao dahil wala nang ilaw sa harapan ng bahay ni Aling Josie at sobrang dilim na rin. Para akong nakahinga ng maluwag nang maisip kong hindi pumunta rito si Karina, which means hindi pa niya na-itsismis na galing ako sa bahay ni Kaiden. Kaiden left just a while ago, medyo mabigat man sa kalooban pero kailangan. I think I already miss him though. Magagaan ang mga yabag ko nang mag-umpisa akong maglakad. Kinapa ko ang phone ko para mabuksan ang flashlight para makita ko ang hagdan. Bakit ba ang dilim? Brownout ba? Nang mabuksan ko na ang flashlight ng phone ko ay dali-dali ang lakad ko sa may hagdanan pero halos mapasigaw ako n

