Amanda’s POV “Wow Amy! Ang ganda mo grabe!” Pumalakpak pa si Lei pagkatapos sabihin iyon. Panghuli kasi akong inayusan at dito lang kami sa apartment ni Aling Josei nag-ayos, hindi na kami nag-abala pang magpunta ng salon at nagpa-home service nalang kami. Dito na rin piniling magpaayos ni Karina at halos kakatapos lang namin. Tuwang-tuwa si Aling Josie sa ayos niya ngayon at hindi ko ikakailang mukhang totoo nga ang sinasabi nitong mas maganda talaga ito noong kabataan, idesente lang pala ang make-up at makaka-awra na siya. Kahit na pinupuri ako ni Lei ay hindi rin maipagkakaila ang kagandahang taglay nito. Ang galing, bagay talaga ang buhok niyang pixie-hair cut. Wet look ang ginawa sakaniya at sobrang hot niya tingnan sa suot niyang backless na black long gown na spaghetti strap. M

