SPG ILANG videos ni Caleb at Aloe ang pinanuod namin. Naisipan ni Caleb na balikan lahat ng alalaala nila noon ni Aloe. Ayoko sanang pumayag dahil wala pa man ay kinakain na ko ng selos. Kaso naisip ko na kung manunuod ako ay malalaman ko kung paano nga ba kumilos ang tulad ni Aloe. Hanggang sa ginaya ko na iyon. Pagkita ko pa lang kay Aloe ay nanabik ako sa kapatid. Dalawampu't-limang taon na kaming hindi magkasama. Kambal man kami ay malaki talaga ang pagkakaiba ng personality naming dalawa. Para kaming yinyang. Pagkita ko pa lang sa kanya alam ko ng high maintenance na babae siya. Ilang videos ng getaway nila ang pinanuod namin. Kaya kahit hindi ko pa nakikita personally si Aloe. Parang kilala ko na siya dahil sa mga videos nila ni Caleb. Ngayon nasa mini theater niya kami a