GINAWA ko lahat ng inutos ni Mama. May nakausap na akong ahente at nagsimula na din kaming magligpit ng gamit pagdating ng gabi. Bukas ay luluwas kami pa-Cavite para makita ang subdivison na nasa Trece. Napilit ko din si Mama kahit masama ang loob niya sa akin. Gusto ko na kasama ko siya habang namimili kami ng bahay na titirhan naming dalawa. Maaga kami kinabukasan. Sa MOA kami nag-antay dahil may Van daw na susundo sa amin doon. Matapos ang kinse minutos na paga-antay ay dumating ang Van. Naroon na sa Van ang ahente at ilang mga kasama din na titingin ng bahay. Isang oras mahigit din ang biyahe at ng makarating kami sa Avida ay napahanga ako sa magagandang klase ng bahay doon. Sinulyapan ko si Mama. Hindi nakaligtas sa akin ang pagningning ng kanyang mga mata habang tinitignan ang mga