PASIMPLE ko siyang kinausap habang may ina-assist akong customer na nasa tabi niya. "Bakit ka andito?" mahina kong sabi pero sapat na para marinig niya. Inabot ko ang plastic na may lamang items sa bumili. Sinulyapan ako ni Caleb. "Sinabi ko lang na aalis ako. Wala naman akong sinabi na hindi ako babalik." "Kuya! Pa-hug na!" Napapantastikuhan ko siyang tinignan. Nakakuha pa talaga nitong lumusot? Hindi ko na siya nalapitan dahil sunod-sunod na ang mga bumibili. "O, tapos na! Ubos na ang paninda namin! Close na ho!" sabi ni Mama. Panay ang reklamo ng mga nakapila dahil kanina pa sila doon. Tapos wala na din palang mabibili. Masaya ako na sa isang araw ubos ang paninda sa store. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba kong magpasalamat kay Caleb o hindi. Siya naman ang may dahilan ba