NAGTALO kami ni Caleb dahil lang sa pagluluto. Gusto ko kasing magpakitang-gilas. Wala siyang bilib sa akin. Totoo na marunong ako pero hindi ko iyon sasabihin. Hindi siya naniniwala sa akin na kaya ko dahil nga lumaking spoiled brat at nakilalala niya si Aloe na hindi naman marunong sa gawaing bahay. "People change. Gusto ko nga subukan. Pinapanuod kitang magluto kaya tingin ko kaya ko na. Pwede mo naman ako turuan, ah. Nandyan ka naman." Sumimangot ako. Humalakhak ito at mabilis na hinalikan ako sa labi. Hinawakan niya ang beywang ko at nilapit ang mukha niya sa akin. "The last time I let you. You almost burn my kitchen." Ngumisi ito. Tinagalid niya ang ulo habang pinagmamasdan ang reaksyon ko. "Hindi na 'yon mangyayari. Subukan mo nga lang kasi," yamot kong sabi. Dahil kami lang ni