KABANATA 4

2064 Words
NAIWAN akong umiiyak at nanginginig sa takot. Kahit anong sabihin ko ay hindi pa din ito naniniwala. Laking ginhawa ko na lang na wala siyang ibang ginawa sa akin kundi ang sirain lang ang t-shirt ko. Mas lalong tumibay ang paniniwala nito na ako si Aloe dahil sa parehong nunal namin sa dibdib.  Sinabi ko naman na kambal ko si Aloe pero bakit hindi ito naniniwala sa akin? Ganoon na lang ang galit niya sa kakambal ko para ikulong ako nito sa bahay niya. Gulong-gulo ang utak ko pero ang mas nangingibabaw sa akin ay ang pag-alis ko dito.  Nanginginig pa rin ang aking katawan pero hindi iyon naging dahilan para hindi ako makaisip na tumakas. Sinubukan kong buksan ang pinto pero naka-lock iyon. Alam ko na kahit magsi-sigaw ako ngayon ay hindi naman niya ko palalabasin. Malaki ang bintana kaya duon ako unang sumilip. Sinubukan kong hilain pagilid ang salaming bintana pero ayaw naman makisama. Pinahid ko ang aking mga luha. Nakita ko na may lock sa gilid. Kailangan ko pa ng susi.  Nagbabakasakali ako na nasa mga drawers. Kaya doon ako nagtungo. May bumubulong na sa akin na nasa lalaking iyon ang susi pero gusto ko pa ding sumubok. Isa-isa kong binuksan ang drawers doon. Hinalughog ko na maski mga pahina ng ilang libro, nagbabaka-sakali ngunit wala talaga. Bumalik ulit ako sa salaming bintana at sinubukan ko ng balyahin iyon ng braso ko. Napangiwi ako sa sakit. Matibay ang salamin. Buong pwersa na ang ibingay ko ng umulit. Kaso wala pa din. Naiiyak na naman ako. Gusto ko ng umalis. Baka may sira sa tuktok ang lalaking iyon at kung ano pang gawin sa akin! Nalamang alalang-alala na si Mama dahil kagabi pa ko hindi nakaka-uwi! Siguro ni-report niya na ko ngayon sa mga pulis! Baka hinahanap na nila ako. Ayoko namang matagpuan nila akong patay na o di kaya ginahasa na. Kinilabutan ako sa naisip.  Paulit-ulit kong pinukpok ng braso ko ang salaming bintana. Namumula na at nanakit ang aking braso pero ayoko mawalan ng pag-asa. Gusto ko pa din subukan. Wala akong ibang makitang gamit na pwede kong pang-sira dito. Kaya no choice ako. Hindi ko alam kung naririnig ba ng lalaking iyon ang bawat balya ko sa salaming bintana nito. Umalis ako doon at pumunta sa banyo. Sumilip ako at umaasang baka may bintana din ngunit wala. Wala din ibang matigas na bagay na pwedeng ipanghampas sa bintana. Kaya umalis din ako at hinang-hina na binalikan ang bintana. Gigil na gigil ako ng muli kong pinukpok iyon. Napakislot ako ng biglang bumukas iyon. Dali-dali kong niyakap ang sarili. Lumingon ako sa kanya at tamad niya akong tinapunan ng tingin. May bitbit itong tray na puno ng pagkain! Nanuot sa ilong ko ang aroma at agad ang pagkalam ng sikmura ko. Nanghihina kong ibinaba ang aking braso. “Masasaktan at mapapagod ka lang pero hindi mo yan masisira. Hindi mo din 'yan mabubuksan," anito at kalmadong lumapit sa kama para ilapag doon ang tray na bitbit nito.  Nanatili ako sa aking kinatatayuan. Puno pa rin ng takot ang aking dibdib para sa kanya. Sumulyap ako sa pagkain na bitbit nito. Nanubig ang bagang ko ng makita ang fried chicken doon. "Eat up. Kagabi ka pa walang kain," sabi nito sa akin. Humalukipkip ito at pinagmamasdan ako.  Napasulyap ako sa muscle nito sa braso na nagflex dahil sa paghalukipkip nito. Napakurap-kurap ako at umiwas ng tingin. Alam kong may pagtingin ako sa kanya. Una pa lang na nakita ko siya noon sa karinderya ni Ate Lucy ay hindi na siya maalis sa isip ko pero hindi ko dapat inuuna ang pantasya ko sa kanya dahil sa ginawa nito sa akin ngayon. Baliw lang ang kayang gumawa ng ganito! "Ayokong kumain. Pauwiin mo na ako dahil hindi nga ako si Aloe," matigas kong sabi. Hindi pa rin makatingin sa kanya. Nanlalabo na naman ang aking mga mata dahil naalala ko na naman si Mama. Hindi ako makapaniwala na nasa ganitong sitwasyon ako.  Wala sana ako dito kung nakita ng lalaking ito si Aloe. Matagal ng napahiwalay sa amin ang aking kambal. Ngayon na ang lalaking ito ay kilala si Aloe. Gusto kong malaman kung nasaan ngayon ang kambal ko. “Tumigil ka na. Napipikon na ko," sabi nito sa akin. Bumaling ako sa kanya at salubong na ang kilay nito. Tinalikuran niya ako at binuksan ang closet. May damit siya doong kinuha. Hinagis niya sa kama ang maiksing dress na kapag sinuot ko hapit sa aking katawan at kita ang aking cleavage. "Magpalit ka ng damit. Dinala ko lahat ng gamit mo dito. Talagang nagpanggap ka pang nagkaka-hera? Alam ba 'yan ng lalaki m--nevermind!" iritado nitong sabi.  "Hindi ako nagsusuot niyan. Nasaan ba kasi si Aloe? Para malaman mong nagkakamali--" “Shut up!" inis nitong sabi. Pumikit ito ng mariin at hinihilot ang sentido na tila napipikon na sa akin. Natahimik ako. Gusto ko ding malaman kung nasaan ang aking kambal. Matagal na din namin siyang gustong makita at makasama dahil nilayo siya ng Tita ko sa amin. Wala din namang maasahan sa Papa ko na may asawa ng iba. Sila din ang may gustong ilayo sa amin ang kambal ko. "Mali ka nga kasi! Kambal ko si Aloe! Ako si Vera! Kambal ko siya! Kaya iuwi--" "Putang ina! Hindi ka ba titigil?! Paulit-ulit mo na kong ginagago! Hanggang ngayon tingin mo sa akin uto-uto?! Tanga?! Talagang gumawa ka pa ng kwento at nagpapanggap ka pang ibang tao para lang hindi ako maniwala?! Tinakasan mo ko, Aloe! Binigay ko sa'yo ang lahat! Pero pinili mo pa rin akong lokohin! Ngayong alam mong hinahanap kita. Nakuha mo pang magpanggap na normal na tao! Damn you! Stop making fun of me!" sigaw nito at panay ang taas-baba ng dibdib tanda ng matinding galit. Natulala ako. Pulang-pula ang mukha nito at naglabasan lahat ng litid nito sa leeg. Nanlilisik ang mga mata at nakuha pa akong duruhin. Hindi ako makapagsalita dahil pinoproseso pa ng utak ko lahat ng sinabi niya. Pinagtatagpi-tagpi ko ang mga sinabi niya kanina. Tsaka ko naintindihan kung bakit siya ganito. Niloko siya ng kapatid ko. Malaki ang galit niya kay Aloe dahil iniwan siya nito. Bakit?  Bakit niya nagawa iyon? Masama ang manloko ng kapwa. Kung sa pisikal lang ang pagbabasehan. Walang-wala nga ang mga nakikita kong modelo kumpara sa lalaking ito ngayon. Pero naisip ko na baka may dahilan din ang kapatid ko. Baka hindi maganda ang ugali nito kaya niya nagawa iyon. Naumid ako at hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit bigla akong nakaramdam ng awa para sa lalaking ito. Sobrang sakit ba kapag nagmahal ka ng tao na hindi ka nman mahal? Hindi ko alam ang sagot sa tanong kong iyan dahil ni minsan hindi ko pa nagawang umibig. Ngayon pa lang, sa nasaksihan ko sa lalaking ito. Naiisip ko na nakakatakot pala. Nakakatakot dahil sa sobrang pagmamahal makukuha mong gawin ang mga ganitong bagay. Sa sobrang sakit makukuha mo ng manakit ng iba o di kaya gumanti. Namumula ang mga mata nito. Hindi ko maalis-alis ang mga tingin ko sa kulay asul niyang mga mata. Umawang ang bibig nito at tumingala. Bumuga ng hangin na tila nagpipigil. Nameywang ito sa harap ko habang inaayos ang sarili. Umiwas ako ng tingin. Hindi talaga siya maniniwala dahil bulag na siya sa pagmamahal sa kapatid ko. "Kumain ka na, parang-awa mo na." Mangha akong napatingin sa kanya. Nagulat ako na mula sa galit nitong emosyon ay bigla na ngayong lumambot. Muli, nakaramdam ako ng awa para sa kanya. Mabilis na lumambot ang puso niya para sa aking kambal. Napakurap-kurap ako sa biglang pagdaan ng selos sa aking dibdib. Ipinilig ko iyon. Wala akong panahon para diyan. Ang kailangan ko ay maka-uwi. "Hinahanap na ko ni Mama. Malamang sa mga oras na ito, ni-report na ang pagkawala ko sa pulis. Kung ayaw mong makulong, ibalik m--" "Tama na. Tama na. Naririndi na ko sa mga imbento mo. Kung ayaw mong kumain, bahala ka!" anito na tuluyan ng naubusan ng pasensya sa akin. Tinalikuran niya ako. "Kailangan ko din makita ang kambal ko! Gusto namin siyang makita ni Mama!" sabi ko sa kanya. Huminto lang ito at napailing-iling na parang sinasabi na nawawalan na ko sa katinuan.  Laglag ang aking balikat ng tuluyan itong umalis at ni-lock muli ang pinto. Muli kong nasulyapan ang pagkain. Tumunog na naman ang aking tiyan. Nagdadalawang-isip ako. Kapag kinain ko iyon baka isipin niyang sumusuko na ko o talo na ko. Lumapit ako sa kama at kinuha ang itim na bodycon dress. Naapangiwi ako dahil hindi ko talaga kayang suotin iyon. Lumapit ako sa closet at naghanap ng ibang masusuot. Napa-awang ang bibig ko na lahat ng iyon ay puro sexy! Ganito manamit ang kapatid ko? Bigla akong natigilan. Oo nga pala, lumaki siya sa America. Liberated na klase ng babae. Ibang-iba sa kung paano ako pinalaki ni Mama. Pumili ako ng medyo disente. Ngayon sira ang shirt ko at kahapon ko pang suot ito. Alam kong kailangan ko ng magpalit ng damit.  Sige, susuotin ko ito dahil wala akong choice. Kaysa palaging lantad ang cleavage ko sa paningin niya ay susuotin ko na lang ito.  Kulay red dress na hapit pa din sa katawan. Takip nga ang harap pero hindi naman ang likuran. Napabuntong-hininga ako. Okay na din ito kaysa ang suotin ko iyong mga dress na unting yuko ko lang makikitaan na ako. Napaupo ako sa kama. Nag-iisip ng solusyon sa aking problema. Sumasakit na ang ulo ko. Dumadagdag pa na hindi na natapos-tapos ang iyak ko. Hindi mawala sa isip ko ang Mama ko na alam kong nag-aalala sa akin ngayon. Sana, mahanap niya ako. Sana malaman niya na nandito ako. Nakulong at pinagkamalan na si Aloe. Siguro umiiyak na siya. Hindi siya makatulog ng maayos sa kakaisip kung okay lang ako. Isipin ko pa lang na nahihirapan si Mama dahil sa pagkawala ko ay naninikip na ang dibdib ko. Mahigpit si Mama sa akin. May panahong naiinis man ako pero mahal ko siya. Nanatili pa din akong mabuting anak at sinusunod ko siya. Lumaki ako sa piling niya. Marami siyang sinakripisyo sa akin at mahal na mahal ako ni Mama. Nawalan na siya ng isang anak. Ngayon nawawala pa ang anak na natira sa kanya. Kumikirot ang aking dibdib at nagsimula na naman akong humikbi. Gusto ko ng umuwi. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang manatili dito ng ilang araw habang iniisip ko ang sitwasyon ng mama ko na hirap na hirap na ito ngayon. Wala pa naman ang aking bag at cellphone. Alam kong itinago ng lalaking iyon. Iisip ako ng paraan para makatakas. Baka makita ko ang gamit ko at makahingi ng tulong. Napasulyap ako sa pagkain. Tumunog ang aking tiyan. Unti-unti kong inabot ang tray kahit na nanginginig ang aking mga kamay. Gutom na gutom na ako. Hindi ko na kayang tiisin ang gutom. Kahit na umiiyak ay nakuha ko ng kumain. Natatakot ako at puno ng kaba ang aking dibdib pero hindi ako makakapag-isip ng matino kung gutom naman ang aking tiyan. Hindi ko na namalayan na sunod-sunod ang subo ko. Fried chicken ang ulam pero bakit mas masarap ito kumpara sa ibang nakain ko. Maski sa isang sikat na fast food ay walang panaman sa hinandang ulam sa akin ng lalaking iyon. Uminom ako ng tubig. Napatitig ako sa platong wala ng laman. Simot na simot. Nanahimik ako at natulala. Nagiisip ako ng susunod kong gagawin pero walang pumapasok sa aking isipan. Napaigtad ako ng makarinig ng pagbukas ng gate at sasakyan! Umalis ba siya o may dumating? Hindi ko na inaksaya na tumingin sa bintana dahil pader lang naman ang aking makikita. Lumapit ako sa pinto at dinikit ang aking tainga. Wala akong marinig. Nanliit ang aking mga mata at nag-concentrate ng maigi. Hanggang sa nakarinig ako ng yabag ng mga paa. Boses ng mga lalaki! Nanlaki ang aking mga mata! Agad kong niyakap ang sarili! Kinilabutan ako sa biglang sumagi sa utak ko. Baka sa sobrang galit ng lalaking iyon kay Aloe ay ipa-rape niya ako?! Napapikit ako ng mariin at mabilis na tumakbo palayo sa pinto. Napahawak ako sa aking ulo. Kung ano-ano ng iniisip ko. Napa-praning na ko! Siguro naman hindi niya kayang gawin iyon. Mahal niya si Aloe. Nakikita ko naman na nakukuha nitong lumambot kapag sa kakambal ko. Gulong-gulo ako at baka ilang araw lang mabaliw na ko dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD